Plano para sa land use noong 1976, hindi daw sinunod ng gobyerno

  Source: Radyo Singko 92.3 News FM                Sa Facebook page ng “Radyo Singko 92.3 News FM,” iniulat na taong 1976 pa nang matukoy na...

 

Source: Radyo Singko 92.3 News FM

            Sa Facebook page ng “Radyo Singko 92.3 News FM,” iniulat na taong 1976 pa nang matukoy na hazard prone-area ang Marikina Valley. Hindi umano sinunod ng gobyerno ang planong pagbawalan ang pagtatayo ng mga bahay sa nasabing lugar.

Source: Radyo Singko 92.3 News FM

            Hindi na nga raw nagulat si Architect Jun Palafox, isang urban planning expert, sa sinapit ng Marikina sa bagyong Ulysses. Hindi na raw kasi sinunod ng pamahalaan noon pang 1976 ang Metro Manila Transport Land Use and Development Project na binuo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Transportation (DOTr), at National Economic Development Authority (NEDA).

Source: Radyo Singko 92.3 News FM
        Sa ipinakitang blue print, natuklasan nila sa mapa na hazard prone area ang Marikina Valley. Delikado rin ang nasabing lugar sa lindol dahil nasa daanan ito ng West Valley Fault, kaya wala raw sanang pinayagang magpatayo ng kabahayan o gusali rito.
Source: Radyo Singko 92.3 News FM

            Pahayag ni Palafox, “Hindi dapat. Kaya yung mga nag-approve ng permits na ‘yan, nabasa nila yung mga recommendations noong 1975, 1976, especially Metro Plan Manila, hindi nasunod yung mga rekomendasyon e.”

Source: Radyo Singko 92.3 News FM

            Nagsulat din si Palafox ng kanyang mga rekomendasyon bilang solusyon sa Office of the President noong 2010 at 2013, subalit binalewala lang daw siya.

Source: Radyo Singko 92.3 News FM
      “All the hazards including earthquakes and landslides, but pinakamarami sa flooding kasi I started writing this after Ondoy, then after Yolanda.”
Source: Radyo Singko 92.3 News FM
            Hanggang wala pa raw aksyon, magtitiis ang mga residente sa mabababang lugar sa mga pagbaha sa tuwing may nararanasang pag-ulan. Lumaki na raw kasi ang populasyon at dumami na ang mga gusali at kongkretong kalsada. Naubos na rin ang mga punong sisipsip sana sa tubig-ulan.

Source: Radyo Singko 92.3 News FM

            Rekomendasyon naman ng environmental planner na si Architect Paulo Alcazaren, dapat umanong mag-iwan ang gobyerno at mga LGUs ng open spaces na maaaring taniman ng mga puno at halaman, at mas maayos kung magkakaroon daw ng batas para dito. 



Source: Radyo Singko 92.3 News FM

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Plano para sa land use noong 1976, hindi daw sinunod ng gobyerno
Plano para sa land use noong 1976, hindi daw sinunod ng gobyerno
https://1.bp.blogspot.com/-JQQduODx-uk/X7Pte1Ec2dI/AAAAAAAASKk/3IPV0UZktvAPM6QTSwRi89YGGq6XIU_HQCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%252814%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-JQQduODx-uk/X7Pte1Ec2dI/AAAAAAAASKk/3IPV0UZktvAPM6QTSwRi89YGGq6XIU_HQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%252814%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/11/plano-para-sa-land-use-noong-1976-hindi.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/11/plano-para-sa-land-use-noong-1976-hindi.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy