Source: Cathy Dauates Cataluña Hindi hadlang ang kapansanan upang makatulong sa ibang tao at makapagbahagi ng kaalaman. Sa Facebook page ...
![]() |
Source: Cathy Dauates Cataluña |
Hindi
hadlang ang kapansanan upang makatulong sa ibang tao at makapagbahagi ng
kaalaman.
Sa
Facebook page ng ABS-CBN News, makikita ang larawan ng isang lalaki na
nagtuturo sa isang bata, kahit na ito ay may kapansanan.
Ibinahagi
ni Cathy Dauates Cataluña mula sa Barangay Malandag, Malungon, Sarangani ang
larawan ng kanyang kapatid na si Harold. Siyam na taong naging mathematics
teacher ang kanyang kapatid pero na-stroke ito noong 2012 at nag-disability
retirement noong 2014.
Kuwento
pa ni Cathy, hindi nawawala kay Harold ang pagnanais niyang makapagturo kahit
na nahihirapan ito. Siya nga raw ang kasama niya ngayong magturo sa dalawa
niyang anak na nag-aaral.
Nangako si Cathy na aalagaan, mamahalin at hindi niya pababayaan ang kapatid.
“Masaya po talaga ako na and’yan ang nag-iisang kapatid ko para umalalay sa mga anak ko.”
![]() |
Umani naman ito positibong reaksiyon mula sa netizens.
“Thanks for this post! Such an inspiration.”
“Teaching is really a passion. ‘Di kelangan na nasa loob ka ng classroom para matawag kang teacher. Saludo po ako sa inyo, Sir Harold. Sana bumuti pa po kalagayan niyo para mas madami pa sanang bata ang maturuan niyo.”
“God loves you Sir, mabuhay po kayo.”
Sa ngayon, mayroon nang mahigit 31,000 reacts, 452 comments, at 846 shares ang naturang post.
COMMENTS