Dakila ang pagmamahal na ang tanging nakikita ay ang kabutihan ng puso. Hamunin man sila ng mga pagsubok, husgahan man sila ng iba – mananatili pa rin
![]() |
Larawan ay mula sa Facebook |
Dakila ang pagmamahal na ang tanging nakikita ay ang kabutihan ng puso. Hamunin man sila ng mga pagsubok, husgahan man sila ng iba – mananatili pa rin ang pagsintang alay sa taong nais makasama hanggang sa pinakahuling hininga.
Ito ang pinatunayan nang magkasintahang sina Roque Tapales at Mary Joy Arroyo ng Zamboanga City. Sa kabila kasi ng kapansanan ni Tapales, nauwi pa rin sa kasalan ang kanilang pag-iibigan.
Nagkakilala raw sa isang mall sina Tapales at Arroyo. Nagtatrabaho noon si Tapales bilang isang elevator operator. At kahit na three feet lamang ang kaniyang tangkad, hindi ito naging balakid upang ligawan niya si Arroyo. At para naman kay Arroyo, kahit na malayo raw ang agwat nila kung pag-uusapan ang tangkad at kahit na may “congenital defects” si Tapales, ay tinanggap niya pa rin ang pag-ibig nito.
Kahit marami mang balakid ang kanilang hinarap sa kanilang relasyon, pinatunayan nilang mas makapangyarihan ang kanilang pagmamahalan. Ikinasal ang dalawa at nangakong mananatili habambuhay kapiling ang isa’t isa.
Nag-viral ang kanilang kuwento at umani naman ito ng positibong reaksiyon mula sa mga netizens, kung saan ang iba rito’y tila nabuhayan ng pag-asang matatagpuan din daw nila ang taong nakalaan para sa kanila.
Source: Beng Climaco - Facebook
COMMENTS