Ginang na pinagbintangan na kabit, pinaluhod ang nambintang at pinagsasampal

Pinagbintangan umano ni Gina Tampus si Joy Arai na kabit ng kanyang asawa, at ikinomento pa ito sa online selling livestream ni Arai. Humingi ng tawad

Larawan: Screenshot mula sa Youtube video ng Raffy Tulfo in Action


Mapapanood sa Facebook page ng “Radyo Singko 92.3 News FM” ang isang viral video kung saan makikitang sinampal ng isang babae ang isa pang babae habang nagpa-public apology ang huli sa isang barangay hall sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Pinagbintangan umano ni Gina Tampus si Joy Arai na kabit ng kanyang asawa, at ikinomento pa ito sa online selling livestream ni Arai. Humingi ng tawad si Tampus kay Arai matapos nitong malaman na hindi siya kabit ng kanyang asawa, at dito na rin sinampal ng huli ang nauna sa kadahilanang napahiya at naapektuhan umano ang negosyo at pamilya ni Arai dahil sa maling paratang. Ayon naman kay Tampus, napahiya rin siya, maging ang kanyang mga anak, sa pagkalat ng viral video kaya inireklamo niya ito sa programa ni Raffy Tulfo na “Raffy Tulfo in Action.”

Ayon kay Tampus, sinabi raw ni Arai sa kanilang chat na gusto niyang makitang lumuhod si Tampus sa kanyang paghingi ng tawad. Kung hindi raw niya iyon gagawin ay ipakukulong siya ni Arai sa kasong cyber libel. Aminado naman daw si Tampus na mali ang kanyang ginawa ngunit hindi niya alam at hindi niya matanggap na ni-live ni Arai ang kanyang pagso-sorry, maging pagsampal sa kanya na “wala naman sa kanilang usapan.”

Pahayag naman ni Arai, matindi ang stress na idinulot ng komento ni Tampus sa kanyang online selline livestream dahil naapektuhan ang kanyang pamilya at negosyo.

Nang kausapin ni Tampus si Arai, aminado siya sa kanyang ginawa ngunit hindi raw makatarungan ang ginawang pamamahiya sa kanya ni Arai. Para naman kay Arai, napahiya rin ang kanyang anak sa ginawa ni Tampus na nagpasimula umano ng kuguluhan sa kanilang dalawa. Dumilim daw ang paningin niya kaya niya nasampal si Tampus.

Ayon kay Atty. Garreth Tungol, cyber libel talaga ang maaaring ikaso kay Tampus, samantalang slander by deed naman ang maaaring isampa kay Arai. Ngunit, cyber libel umano ang may mas mabigat at mas mahabang parusa. Ayon naman kay Tulfo, mas mainam na lamang na magbati ang dalawa dahil pareho lang din naman silang masasampahan ng kaso; subalit, kung mauwi man sa demandahan ang lahat, mas mabigat ang sentensiya ni Tampus.

Pinili ni Tampus na magkaayos na silang dalawa, ngunit para kay Arai, nagkaayos naman na raw sila sa barangay at hindi niya matanggap ang idinulot na problema ng kanyang komento. Dagdag pa ni Arai, mas mainam na magkapirmahan sila sa barangay.

Ayon naman kay Chairwoman Eleanor Fontanosa ng Barangay Gun-Ob, Lapu-Lapu City, may pirmado nang dokumento ang dalawa noon pang Nobyembre 17. D-in-elete na rin daw ni Arai ang video kung saan sinampal niya si Tampus, ngunit may nag-repost lang na iba. Gayunpaman, nauwi sa pag-aayos ang hidwaan ng dalawa.

Sa kabilang banda, nang makausap naman ang asawa ni Tampus na si Carlito Tampus, sinabi niyang wala naman siyang kabit at pinaniwala lang niya umano ang lahat na may nobya siyang matanda. Mukhang napikon daw ang kanyang asawa kaya ganoon na lamang ang ginawa niya. Natawa man si Tulfo, sinabihan niya si Carlito na hindi raw ito magandang biro.



Source: Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Ginang na pinagbintangan na kabit, pinaluhod ang nambintang at pinagsasampal
Ginang na pinagbintangan na kabit, pinaluhod ang nambintang at pinagsasampal
Pinagbintangan umano ni Gina Tampus si Joy Arai na kabit ng kanyang asawa, at ikinomento pa ito sa online selling livestream ni Arai. Humingi ng tawad
https://1.bp.blogspot.com/-aldKTo7yN8M/X81pjstSh7I/AAAAAAAASqo/CM4C_XlzdqUh4zD8QJz9STX2bDN_5T8qwCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25284%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-aldKTo7yN8M/X81pjstSh7I/AAAAAAAASqo/CM4C_XlzdqUh4zD8QJz9STX2bDN_5T8qwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25284%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/12/ginang-na-pinagbintangan-na-kabit.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/12/ginang-na-pinagbintangan-na-kabit.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy