Kuwento ng Mag-asawa nagsumikap Magkaroon ng Sariling Bahay Kahit na Maagang Nagkaroon ng Responsibilidad

pareho raw silang 17 taong gulang noong 2008 ng kaniyang asawang si Une nang magkaroon sila ng anak. At bilang mga bata pa lamang daw noon, isang “mab

 

Source: Charles Manieda - Facebook

        Viral ngayon sa social media ang kuwento ng mag-asawa matapos pagsikapang magkaroon ng sariling bahay kahit na maagang nagkaroon ng responsibilidad.

          Ayon sa post ni Charles Manieda, pareho raw silang 17 taong gulang noong 2008 ng kaniyang asawang si Une nang magkaroon sila ng anak. At bilang mga bata pa lamang daw noon, isang “mabigat na pananagutan” daw ang naiatang sa kanilang mga balikat. Naiiyak pa nga raw sila sapagkat inakala na nilang wala silang magiging “future.” Hindi raw nila alam ang gagawin noon.

          Hanggang sa dinaan daw nila ang lahat sa pagsisikap. Ibinuhos daw nila ang lahat ng kanilang “effort” sa kani-kanilang mga negosyo, kahit na marami raw mga taong hindi naniniwala na makakayanan nila. Ibinahagi rin nila ang mga hirap na pinagdaanan nila.

          Binuhusan namin ng literal na dugo't pawis effort namin sa mga kanya kayang negosyo. Nagoonline selling siya ako naman nagpiprint ng damit tska nagbebenta ng shirt designs. Mahirap yung pinili naming daan dati, kasi di conventional. Andaming natatawa at nagaabang na magkamali kami kasi di naman daw trabaho yung ginagawa namin. Ang alam lang namin talaga magwowork to eventually. Di siya smooth haha. Sobrang rough ng daan na tinahak namin bago maabot itong milestone namin na to. Literal na dugo't pawis lumabas samin. Stressed sa future, relasyon, mental at physical health. Ilang beses din kami naghiwalay.


Source: Charles Manieda - Facebook

          Subalit matapos ang halos sampung taon, tila nagbunga raw ang kanilang pagsusumikap. Sa ngayon kasi ay nakapagpundar na sila ng kanilang sariling bahay na mayroong dalawang palapag. Hindi lamang daw sila ang nagbigay ng “effort” upang maisakatuparan ito; pinasalamatan din nila ang mga taong nagsilbing gabay at nagbigay ng suporta sa kanila habang naglalakbay sa ninanais nilang pangarap.

Source: Charles Manieda - Facebook

          Sa kasalukuyan, mayroon nang higit 8,600 reactions, 819 comments at halos 6,500 shares ang nasabing post.

          Basahin ang buong post sa ibaba:

          ‘Where do you see yourself 10 years from now?’

Kwento lang ako ng konti... 17 years old kami parehas ni Une nong nagkaroon kami ng anak (2008 yun. Pero yung pic sa left 2010). Sobrang bigat na pananagutan non para sa mga batang kagaya namin. Nakakaiyak kasi akala din namin wala na kaming future. Di namin alam gagawin namin. Pero ayun, buti na lang nadaan sa sikap. Binuhusan namin ng literal na dugo't pawis effort namin sa mga kanya kayang negosyo. Nagoonline selling siya ako naman nagpiprint ng damit tska nagbebenta ng shirt designs. Mahirap yung pinili naming daan dati, kasi di conventional. Andaming natatawa at nagaabang na magkamali kami kasi di naman daw trabaho yung ginagawa namin. Ang alam lang namin talaga magwowork to eventually. Di siya smooth haha. Sobrang rough ng daan na tinahak namin bago maabot itong milestone namin na to. Literal na dugo't pawis lumabas samin. Stressed sa future, relasyon, mental at physical health. Ilang beses din kami naghiwalay.

Pero ayun nga, kita niyo yung nasa likod namin sa 2nd pic? Team effort yan. Di lang namin, pati ng mga taong nakilala namin along the way. Mga suppliers, printers, mga kaibigan, ka kilala lalo na mga pamilya namin, atbp. Isa tong palatandaan, isang monumento na nagpapaalala na pwede ka mag tagumpay dito sa larangan ng online selling at sining. Kaya kung ikaw nababasa mo to, maniwala ka lang sa proseso. Kaya mo yan. Di habambuhay lagi kang talo. Maniwala ka lang 

P. S. Wala pang sasakyan sa garahe. Inuna lang talaga namin magkabahay. Hanggang ngayon, trike pa din serbis namin. Pero, soon yan. Soon hihi ipon muna. Next week din kasi apat na kami. Kaya hinay hinay muna sa gastos 

Lastly, thanks sa napakalupit naming arkitekto na si kuya Deryck Mendoza! Labyu.”


Source: Charles Manieda - Facebook



Source: Charles Manieda - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Kuwento ng Mag-asawa nagsumikap Magkaroon ng Sariling Bahay Kahit na Maagang Nagkaroon ng Responsibilidad
Kuwento ng Mag-asawa nagsumikap Magkaroon ng Sariling Bahay Kahit na Maagang Nagkaroon ng Responsibilidad
pareho raw silang 17 taong gulang noong 2008 ng kaniyang asawang si Une nang magkaroon sila ng anak. At bilang mga bata pa lamang daw noon, isang “mab
https://1.bp.blogspot.com/-hDrLD6MaO7Q/X-FphDyoKHI/AAAAAAAATBI/SWFE5fGYXygidMNcZT54600f2AX_5SUkQCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25285%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-hDrLD6MaO7Q/X-FphDyoKHI/AAAAAAAATBI/SWFE5fGYXygidMNcZT54600f2AX_5SUkQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25285%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/12/kuwento-ng-mag-asawa-nagsumikap.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/12/kuwento-ng-mag-asawa-nagsumikap.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy