Lalaki, Nakapagpatayo ng Bahay na gawa sa mahigit 100,000 Plastic Bottles

Isang environmentalist at architect si Richart Sowa, 61. Napag-isaipan niyang gumawa ng isang “artificial floating island” na gawa sa mahigit 150,000

Larawan ay mula sa Google


Hinahangaan ngayon ng mga netizens ang isang lalaki matapos makapagpatayo ng bahay gamit lamang ang higit 100,000 na mga plastic bottles.

Isang environmentalist at architect si Richart Sowa, 61. Napag-isaipan niyang gumawa ng isang “artificial floating island” na gawa sa mahigit 150,000 piraso na mga plastic bottles. Dito na rin niya itinayo ang kaniyang bahay noong 2008 at hanggang ngayon ay dito pa rin siya nainirahan.

Larawan ay mula sa Google



Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Taong 2005 nang simulang buuin ni Sowa ang “artificial” na isla. Subalit hindi siya nagtagumpay sapagkat nasira ito ng mapaminsalang panahon. Kasama ring naapektuhan ang isang maliit na islang siya rin mismo ang gumawa na tinawag niyang “Spiral Island.”

Subalit hindi sumuko si Sowa. Sa ikatlong pagkakataon ay gumawa siya ng isang lagoon. Sa tulong ng karpintero ay nabuo ni Sowa ang matibay nitong pundasyon na may habang 25 meters na hindi raw agad magigiba ng anumang bagyo.

Mas pinatibay pa raw ito ng frame na gawa sa kawayan na nilagyan pa ng kahoy at buhangin. Kinabitan pa ito ng sangkatutak na plastic bottles na siyang nagbibigay suporta raw sa bahay, kahit pa ano ang ilagay o ipasok dito.

At matapos ang pitong taon, naisakatuparan ang pangarap ni Sowa na “floating island” na tinawag niyang “Joyxee Island.”

Ang bahay na ipinatayo nila rito ay mayroong tatlong palapag na yari naman sa mga shells. Mayroon itong dalawang bedrooms, kusina, tatlong showers, at isang wave-powered washing machine. Nakakonekta rin sa isla ang 100-ft cable na nagbibigay naman ng kuryente, tubig at internet access. Mayroon din itong filtered pool kung saan naliligo si Sowa. May hiwalay pang pool na nagsisilbi namang hot tub. 

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google


Nakatanim rin sa isla ang iba’t ibang klase ng halaman – mula sa namumungang puno hanggang sa maliliit na halaman. Nais daw kasi ni Sowa na punan ang kaniyang mga pansariling pangangailangan gamit lamang ang sarili niyang kakayahan.

Aniya, “My plan is to become self-sufficient. I am a vegetarian, and have many plants growing on the island which I eat, but for more variety I go by bicycle to the nearby local shop. I have ferry I also made from plastic bottles, which can carry up to eight people to and from the shore.”

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Larawan ay mula sa Google

Ayon naman sa “Sobify,” isang Mexican authority, itinuturing na “eco-boat” ang ginawang “man-made island” ni Sowa. Kaya naman, kinailangan niyang sumunod sa patakaran ng boating rules. Kung kaya, makikitaan ng mga emergency equipments ang “Joyxee Island” tulad ng fire extinguishers, ring buoys, at emergency kits.

At ngayon, hindi na nag-iisa sa isla si Sowa. Noong 2014 kasi nang makilala niya sa Facebook si Jodi Bowlin, 42, isang dating Japanese supermodel. Tinanggap niya nang buong puso ang buhay ni Sowa sa isla at sa kasalukuyan ay masaya silang nagsasama. Nakatulong din daw si Bowlin na mapaganda pa lalo ang isla nang lagyan niya ito ng “woman’s touch.”



Source: Rose Robin. The painting pirate. - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Lalaki, Nakapagpatayo ng Bahay na gawa sa mahigit 100,000 Plastic Bottles
Lalaki, Nakapagpatayo ng Bahay na gawa sa mahigit 100,000 Plastic Bottles
Isang environmentalist at architect si Richart Sowa, 61. Napag-isaipan niyang gumawa ng isang “artificial floating island” na gawa sa mahigit 150,000
https://1.bp.blogspot.com/-lHPiXIaSByg/X9bWHhtChFI/AAAAAAAAS4U/nbYBfeaVxyMLk-oIySzGBGMpWpkiT_lYwCNcBGAsYHQ/s16000/Screenshot%2B2020-12-14%2B030014.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-lHPiXIaSByg/X9bWHhtChFI/AAAAAAAAS4U/nbYBfeaVxyMLk-oIySzGBGMpWpkiT_lYwCNcBGAsYHQ/s72-c/Screenshot%2B2020-12-14%2B030014.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/12/lalaki-nakapagpatayo-ng-bahay-na-gawa.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/12/lalaki-nakapagpatayo-ng-bahay-na-gawa.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy