Limang magkakapatid na magkakasunod na nag-uwi ng karangalan sa kanilang pamilya. Mga nagtapos na Cum Laude at Magna Cum Laude sa iba’t ibang kurso na kinuha.

Nagtapos si Atty. Noel Ephraim Antigua bilang cum laude sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English noong Marso 2012. Nakapasa siya sa

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video


Isang nagtapos na kabilang sa Dean’s List, dalawang cum laude, at dalawa pang magna cum laude – sila ang magkakapatid na Antigua ng Agusan del Norte.

Nagtapos si Atty. Noel Ephraim Antigua bilang cum laude sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English noong Marso 2012. Nakapasa siya sa Licensure Exam for Teachers (LET) sa pareho ring taon. Nagsimula na rin siyang magturo sa Butuan City School of Arts & Trades sa Butuan City. Nagmula raw siya sa pamilya ng mga guro at nagustuhan na rin daw niya ang prpesyon na ito dahil sa “satisfaction” na natututo ang kanyang mga estudyante.

Siya ay naging working student dahil pagkatapos ng kanyang klase mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, pumapasok naman siya sa law school simula 5:30 ng hapon hanggang 9:30 ng gabi. Taong 2018, nagtapos siya ng Bachelor of Laws bilang cum laude at ganap siyang naging abogado noong 2019.


Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video

Ang kapatid naman ni Noel na si Lover Rose Antigua ay isang Registered Nurse at Project Development Officer ng Department of Education (DepEd) at hinahawakan niya ang Youth Formation Program ng kanilang opisina. Mino-monitor din niya ang career guidance at ang iba pang akitibidad na nagawa na ng paaralan. 

Bukod sa kanilang dalawa ay mayroon pa silang tatlong kapatid na pawang nag-uwi rin ng karangalan.

Naninirahan sa Barangay Abilan, Buenavista, Agusan Del Norte ang pamilya Antigua kung saan dito na lumaki ang limang magkakapatid. Parehong guro ang kanilang mga magulang; huminto lamang daw ang kanilang ina nang magsimula na silang mag-aral. Mula noon, ang ama na nila ang siyang tanging naghahanap-buhay.

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video

Larawan: Screenshot mula sa Youtube Video


Ayon sa padre de pamilya na si Noel Antigua, naitaguyod niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagtuturo ng walong oras at suma-sideline bilang drayber ng habal-habal.

Dahil sa naranasang kahirapan, ito ang naging pangunahing bagay na nagtulak sa magkakapatid na mag-aral ng mabuti. Sa murang edad pa lamang ay natutunan na nilang magsumikap.

Ani nga ng kanilang ina na si Rosita Antigua, “Mag-aral kayong mabuti, malaki ang posibilidad na maging iskolar kayo. Makapamili kayo ng kurso kung anong gusto niyo. Kaya nagsikap po sila ng nagsikap. Ginawa nila ‘yong bahagi nila, ako rin magpa-follow up. naging aktibo ako sa school kung anong kailangan nila. Kahit walang-wala na talaga, naghahanap talaga ng paraan para masuportahan ‘yong kailangan.

Apat sa magkakapatid ang nagtapos bilang Valedictorian at Salutatorian naman ang isa sa kanila. Naging puhunan nila ang kanilang pagsusumikap dahil naging iskolar sila pagdating ng kolehiyo at nakatanggap ng iba pang benepisyo.

Sa kabila ng pagiging abala sa kanilang pag-aaral at sa iba pang mga gawain, hindi pa rin nila nakalilimutang sumamba bilang mga kasapi ng Iglesia ni Kristo.

Ang panganay na si Sweet Loueljie Antigua ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Elementary Education bilang cum laude sa Philippine Normal University (PNU) – Mindanao noong Marso 2007. Nagtapos naman bilang magna cum laude si Honey Jaysa Antigua sa kaparehong kurso na kinuha ng kanyang ate. Si Lover ay nagtapos ding magna cum laude sa kursong BS Nursing. Si Noel ay parehong naging cum laude sa dalawang kursong kanyang tinapos. Ang bunso namang si Erish Breathheart Antigua ay isang Dean’s Lister at nagtapos sa kursong BS Criminology.

Ayon nga sa kanilang ama, “[Sa tuwing] sila ay nagsisikap na mag-aaral, nasisiyahan ako dahil hindi nasasayang ang aking pagsisikap sa pagtustos ng kanilang pangangailangan.



Source:  INC News and Updates - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Limang magkakapatid na magkakasunod na nag-uwi ng karangalan sa kanilang pamilya. Mga nagtapos na Cum Laude at Magna Cum Laude sa iba’t ibang kurso na kinuha.
Limang magkakapatid na magkakasunod na nag-uwi ng karangalan sa kanilang pamilya. Mga nagtapos na Cum Laude at Magna Cum Laude sa iba’t ibang kurso na kinuha.
Nagtapos si Atty. Noel Ephraim Antigua bilang cum laude sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English noong Marso 2012. Nakapasa siya sa
https://1.bp.blogspot.com/-6xLreD1iYEo/X9LTeVRkn9I/AAAAAAAASyc/_i68LQoQAGoJnelhVAr0KiQmjTu6EJjsQCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25284%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-6xLreD1iYEo/X9LTeVRkn9I/AAAAAAAASyc/_i68LQoQAGoJnelhVAr0KiQmjTu6EJjsQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25284%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/12/limang-magkakapatid-na-magkakasunod-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/12/limang-magkakapatid-na-magkakasunod-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy