Mga Video Ng Pananakit Ni Misis Kay Mister Habang Hawak ang kanilang anak, viral sa social media

Marami raw kasi ang nag-tag sa programa sa video na ibinahagi ni Kristine Anne Maravilla sa kaniyang Facebook account. Makikita kasing sinasaktan ng k

Larawan: Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel


Inireklamo ng isang dalagita ang kaniyang stepmother sa programang “Raffy Tulfo in Action” dahil sa ginagawa nitong pagmamaltrat0 at pang-aabus0 sa kaniyang ama.

Marami raw kasi ang nag-tag sa programa sa video na ibinahagi ni Kristine Anne Maravilla sa kaniyang Facebook account. Makikita kasing s¡nasaktan ng kaniyang stepmother na si Juwena Dela Peña ang kaniyang amang si Anthony Maravilla.

Larawan: Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel

Kuwento ni Kristine, bago pa raw magkaanak ang kaniyang ama at ang stepmother niya ay ganoon na raw ang ugali ng huli. Ayon pa rin sa kaniya, tila nananalaytay na raw sa pamilya nina Juwena ang ganoong ugali sapagkat dati umanong miyembro ng N P A ang ama nito habang ang isa umano nitong kapatid ay nasak sak ang kaniyang asawa dahil sa selos.

Ani naman ni Juwena, pakiramdam lamang daw niya ay nambababae raw si Anthony. Hiniling niya rin naman sa host na si Raffy Tulfo na kausapin na lamang ang kaniyang asawa at hihingi raw siya ng pasensiya. Subalit, nang tanungin ng host sa kaniyang staff kung nasa linya si Anthony, sinabi ng mga itong naglayas daw ang lalaki.

Larawan: Screenshot mula sa video ng Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel

Nang kausapin naman ni Raffy ang Barangay Chairman ng Nag-Cruz, Pitogo, Quezon na si Ariel Perez, sinabi nitong marami na raw kaso kung saan naipa-blotter dahil sa pananakit si Juwena.

Ayon naman kay Atty. Garreth Tungol, Chief of Staff – Office of Rep. Jocelyn P. Tulfo (ACT-CIS Partylist), nag-file na raw sila ng bill na naglalayong mapanagot ang mga nang-aabus0 sa isang tao, “regardless of their gender.” Subalit, habang hindi pa ito nagiging batas, ang maaari daw isampang kaso kay Juwena ay phys¡cal ¡njur¡es.

Ani naman ni Kristine, hindi niya na raw kayang patawarin pa ang kaniyang stepmother dahil ilang beses na raw itong nangyari at paulit-ulit na lamang ang kaniyang ginagawa sa kaniyang ama.

Nang mahanap na si Anthony, muli silang tinawagan ng nasabing programa. Tinanong siya kung payag siyang sumailalim sa isang DNA test sapagkat may ilang mga netizens ang nagsasabing maaaring ganoon ang ugali ni Juwena sa kaniya dahil posibleng hindi niya anak ang sangg0l na nasa kanila. Pumayag naman si Anthony sa suhestiyong ito at ayon pa rin sa kanila, kung minsan daw na nag-aaway sila – sinasabi raw ni Juwena na hindi raw sa kaniya ang sangg0l na iyon.

Ayon naman kay Vangie, ina ni Tany na dating ka-live in partner ni Juwena, payag din daw silang sumailalim sa isang DNA test upang makumpirma kung kay Tany ba ang sangg0l o hindi.

At upang masiguro ang kaligtasan nina Anthony at Kristine, kinausap ng programa si PSSgt. Ma. Cristina Llagas, PIO, Police Community Officer sa Pilogo, Quezon, upang ma-monitor ang mga kaganapan sa paligid ng mag-ama.








Sobra na!!!

Posted by Anne Maravilla on Saturday, November 21, 2020


Source: Raffy Tulfo in Action - Youtube Channel

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Mga Video Ng Pananakit Ni Misis Kay Mister Habang Hawak ang kanilang anak, viral sa social media
Mga Video Ng Pananakit Ni Misis Kay Mister Habang Hawak ang kanilang anak, viral sa social media
Marami raw kasi ang nag-tag sa programa sa video na ibinahagi ni Kristine Anne Maravilla sa kaniyang Facebook account. Makikita kasing sinasaktan ng k
https://1.bp.blogspot.com/-ewOk-q0VH9U/X8ls6JhvRII/AAAAAAAASj8/zrs8EJ4SfjI7Neia4OsskPcKjmNMYMq3gCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25281%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-ewOk-q0VH9U/X8ls6JhvRII/AAAAAAAASj8/zrs8EJ4SfjI7Neia4OsskPcKjmNMYMq3gCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25281%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/12/mga-video-ng-pananakit-ni-misis-kay.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/12/mga-video-ng-pananakit-ni-misis-kay.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy