Source: Denso Tambyahero/Youtube Hinandugan ng pamasko ang isang lalaking tindero ng unan na naglalakad mula Rizal hanggang Makati. Kinila...
![]() |
Source: Denso Tambyahero/Youtube |
Hinandugan
ng pamasko ang isang lalaking tindero ng unan na naglalakad mula Rizal hanggang
Makati.
Kinilala
ang tindero bilang si Oman. Naglalakad daw siya mula Taytay, Rizal hanggang
Comembo, Makati City para maibenta ang mga paninda niyang unan. Ang nakapansin
at nagbigay ng regalo kay Oman ay ang vlogger na si Denso Tambyahero.
Naghahanap
daw ng matutulungan si Denso noong araw na iyon. Habang siya ay nagmamaneho, nadaanan
niya umano ang nasabing tindero. Agad niya itong kinausap, at kitang-kita sa
mukha ni Oman ang hirap at pagod. Mapapansin ding tila hirap siya sa
pagsasalita.
Salaysay
ni Oman, isang unan pa lamang daw ang kanyang nailalako. Ibibili raw niya ng
pagkain ang perang kanyang napagbentahan. Halos sa kalsada na rin daw siya
natutulog para lamang maubos ang kanyang mga paninda, saka na lamang siya uuwi
kapag naubos na ang mga ito.
Kuwento
pa ng tindero, minsan na raw siyang naloko ng isang matandang babae dahil peke
umano ang P500 na ibinayad sa kanya. Nanlumo raw siya sa karanasang ito at wala
nang iba pang nagawa.
Dito
na nga bumili ng unan si Denso bilang souvenir. At nang aalis na si Oman,
pinigilan siya ng vlogger at sinabihang may ibibigay siyang regalo.
Binigyan
ni Denso ang lalaki ng pera at sinabing ipambili raw niya ito ng bigas at cake para sa kanyang anak at
kapatid na magdiriwang ng kaarawan.
Kitang-kita naman kay Oman ang labis na galak at pagkagulat sa natanggap na pamasko. Sabi pa niya, 20 taon na siyang nagtitinda ng unan ngunit ngayon lamang siya nakatanggap ng ganoong biyaya.
COMMENTS