Ibinahagi ni Jimuel sa kanyang social media account ang tungkol sa isang babae na nagpapatibok ngayon ng kanyang puso.
![]() |
Larawan ay mula sa Facebook |
Usap-usapan
ngayon ang post ng anak ng boxing champion na si Manny Pacquiao na si Jimuel
Pacquiao tungkol sa tila bago niyang pag-ibig.
Ibinahagi
ni Jimuel sa kanyang social media account ang tungkol sa isang babae na nagpapatibok
ngayon ng kanyang puso.
I-p-in-ost
ng 19-year-old sa kanyang Twitter profile ang mga larawan ng Star Magic artist
na si Arabella del Rosario. Base sa mga larawan, mukhang ang dalawa ay
nagde-date.
Sa
tweet noong Disyembre 20, nakalagay ang mga salitang, “Hi @arabelladelro.”
![]() |
Larawan ay mula sa Facebook |
Samantala,
nagbahagi rin si Arabelle ng mga larawan nila ni Jimuel, habang magkahawak-kamay
sila sa loob ng sasakyan ng huli. Makikita rin sa isa pang larawan ang paghalik
ni Jimuel sa kamay ni Arabella.
Sa
Tweet naman ni Arabella, mababasa ang caption na: “Hi @EmmanuelpacJr.”
Hindi
malinaw kung paano nagkakilala ang dalawa ngunit “both are of the same age.”
Sa
isang 2019 Star Magic profile, inilarawan ni Arabella ang kanyang sarili bilang
“a simple girl but with a lot of dreams
and goals in life, which I will definitely achieve. Claiming it!”
Bago
pumasok sa showbiz, isa siyang figure skater at nadiskubre siya sa isang
mini-VTR. Pumasok siya sa industriya dahil “one,
a girl can dream. Two, why not di ba? Three, you will never know until you try
and find out.”
Sa
kabilang banda, nagkaroon naman ng previous relationship si Jimuel sa isa ring
Kapamilya artist na si Heaven Peralejo. Nitong Pebrero, nagsalita siya
patungkol sa kanilang hiwalayan.
“The first time was really tough. May galit
po kasi do’n sa first time and ‘di po maayos ‘yong breakup.”
Ang
kanilang breakup ay naging usap-usapan matapos kumalat ang mga haka-hakang nais
lamang ni Heaven ng pera mula sa anak ng boxing champ.
Nilinaw naman ni Jimuel na “their breakup was peaceful and they are now on good terms.”
Sorce: Philippine Star - Facebook Page
COMMENTS