Tatay, kahanga-hanga ng samahan ang kanyang anak na PWD sa pagkuha ng board exams for teachers

Isa si Glor sa mga kumuha ng LET at napansin niya ang isang matandang lalaki na naghihintay sa labas ng gusaling pinaggaganapan ng pagsusulit. Dagdag

Larawan ay mula sa post ni Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook



Iba’t ibang uri ng kuwento ang maririnig o mapapanood sa tuwing may nagaganap na mga board examinations. Halimbawa, may mga taong ilang beses nang sumusubok, may iba namang nanggaling pa sa malalayong lugar, at mayroon ding mga taong nagbibigay ng suporta sa lahat ng kukuha ng pagsusulit.

Pinuri naman ng isang netizen ang isang ama na matiyagang naghihintay sa kanyang anak na nag-take ng Licensure Examination for Teachers (LET) exam. Naantig ang damdamin ng mga tao matapos i-post ni Sheila Mae Glor ang kuwento ng nasabing tatay.

Larawan ay mula sa post ni Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook

Larawan ay mula sa post ni Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook


Isa si Glor sa mga kumuha ng LET at napansin niya ang isang matandang lalaki na naghihintay sa labas ng gusaling pinaggaganapan ng pagsusulit. Dagdag pa niya, naroon na raw ang nasabing lalaki bandang alas-sais y media pa lang ng umaga.

Masiyahin daw at nginingitian ng matanda ang bawat taong dumadaan malapit sa kanya. Pakiramdam ni Glor na “very supportive” ang matanda sa kung sino man ang kasama niya. Natapos ang pagsusulit sa oras na 5:30 ng hapon; nang lumabas si Glor ay naroon pa rin ang matanda na nagsimulang kausapin siya.

Larawan ay mula sa post ni Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook

Larawan ay mula sa post ni Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook


Ayon sa matanda, kumuha rin daw ng pagsusulit ang kanyang anak na lalaki. Makikita nga raw kung gaano ka-proud ang ama sa kanyang anak. Dito na nga raw binanggit ng matanda kay Glor na simula pa lamang noong unang taon sa pag-aaral ng kanyang anak ay hatid-sundo na niya ito. Naantig ang puso ni Glor nang makitang tulak-tulak ng matanda ang wheelchair ng kanyang anak.


Larawan ay mula sa post ni Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook


Larawan ay mula sa post ni Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook

Napagtanto ni Glor kung gaano kalaki ang kayang isakripisyo ng isang magulang para sa kanyang anak. Ayon pa sa kanya, isasama raw niya sa kanyang panalangin ang matanda na magkaroon pa sana ng mahabang buhay at magandang kalusugan. Umaasa rin daw siya na makapapasa ang kanyang anak sa LET.

Basahin ang buong post ni Sheila Mae Estrañero Glor:

"Post ko lang po si Tatay na kasama namin kahapon sa school na pinag ganapan ng board exam (LET) namin.
6:30am ang start ng exam kaya around 5:30 andoon na kaming lahat. Hindi ko agad napansin si Tatay sa dami ng tao at dahil din siguro nakatuon ang atensyon ko sa parating na exam. Pero noong pagkatapos ng unang subject, nakita ko na s'ya na nasa tapat ng classroom. Nakaupo at naghihintay. Nginingitian n'ya ang bawat dumadaan.
Sa isip ko, napakasupportive naman ni Tatay.
6:30am to 6:30pm ang LET pero mga 5pm pa lang tapos na halos lahat sa subject na Specialization.
5:30pm natapos na rin ako. Bale, 4 na lang kami sa loob, ako, 2 babae, at si Sir na nakawheel chair.
Lumabas na ako para hintayin yung kasama ko.
Ngitian ako ni Tatay kaya ngumiti din ako sa kanya.
Bungad n'ya... "Nag eexam sa loob ang anak ko eh." Tila proud na proud s'ya. "Ay talaga po? Sino po ang anak nyo d'yan, Tay?"
"Yun oh!" sabay turo sa may bintana. Si Sir pala na nakawheel chair ang anak n'ya.
"Mula 1st year yan hatid sundo ko na 'yan. Hanggang ngayon na board n'ya."
Gusto kong maiyak. Dama ko yung sakripisyo ni Tatay at ng lahat ng mga magulang para sa mga anak nila. Yung kaya nilang gawin ang lahat nang walang pagkapagod o pagkainip.
Isinama ko po kayo sa prayer ko, Tay. Na nawa bigyan ka pa ng mas mahaba pang buhay at mas malakas na katawan. At nawa din makapasa ang anak n'yo.
Di ko na nainterview pa si Tatay kasi ilang minuto lang natapos na din si Sir sa pagsasagot at sinundo na s'ya ni Tatay sa loob."

Samantala, sa comment section ay sinabi ni Glor na pumasa sa LET ang anak ni tatay. 

Larawan ay mula sa post ni Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook


Source: Sheila Mae Estrañero Glor - Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Tatay, kahanga-hanga ng samahan ang kanyang anak na PWD sa pagkuha ng board exams for teachers
Tatay, kahanga-hanga ng samahan ang kanyang anak na PWD sa pagkuha ng board exams for teachers
Isa si Glor sa mga kumuha ng LET at napansin niya ang isang matandang lalaki na naghihintay sa labas ng gusaling pinaggaganapan ng pagsusulit. Dagdag
https://1.bp.blogspot.com/-S3XTga_kT3Q/X9QM36KPSZI/AAAAAAAASzM/y7oyAoBuyOUULLyFHVWfO1OcgzPiPlW8ACNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B%25285%2529.png
https://1.bp.blogspot.com/-S3XTga_kT3Q/X9QM36KPSZI/AAAAAAAASzM/y7oyAoBuyOUULLyFHVWfO1OcgzPiPlW8ACNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B%25285%2529.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/12/tatay-kahanga-hanga-ng-samahan-ang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/12/tatay-kahanga-hanga-ng-samahan-ang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy