Tricycle Driver, napagtapos ang 4 na anak sa kolehiyo

Maraming netizens ang nagalit sa nag-viral na video ng TikTok influencer na si Buknoy Glamurrr kung saan tila minaliit niya rito ang mga tricycle driv

Larawan ay mula sa Facebook




Napagtapos ng isang tricycle driver ang kanyang mga anak at nakapagpatayo pa ng magandang bahay, sa tulong ng kanyang trabaho.

Maraming netizens ang nagalit sa nag-viral na video ng TikTok influencer na si Buknoy Glamurrr kung saan tila minaliit niya rito ang mga tricycle drivers. Dagdag pa ng ibang mga tao, napaka-insensitive raw ng ginawa ni Buknoy sa hirap na dinaranas ng mga tricycle drivers sa tuwing sila’y namamasada para lamang may maipakain sa pamilya at may maipang-tuition sa pag-aaral ng anak.

Wala umanong direksiyon at hindi matutupad ang mga pangarap ng mga tricycle drivers sa kanilang pamamasada. Ani pa ng ibang netizens, hindi raw naisip ng influencer na dahil sa pagsisikap ng mga tricycle drivers ay natutugunan nila ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Samantala, naging trending topic sa Facebook page na “Peso Sense” ang isang pamilya matapos nilang ibahagi ang kanilang kuwento sa pagtatagumpay. Nakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak at pinapagawan na ng mansyon ang kanilang mga magulang.

Larawan ay mula sa Facebook


Sila ang isa sa mga nagpapatunay na kahit tricycle driver ang trabaho ng padre de pamilya, may patutunguhan ang kanilang buhay dahil na rin sa taglay nilang sipag at tiyaga. Idagdag pa riyan ang maayos na pagpapalaki nito sa kanyang mga anak.

Ayon nga sa kuwento ng isa sa magkakapatid, tricycle driver ang kanilang ama at mananahi naman ang kanilang ina. Ang kinikita ng kanilang magulang ay “hindi fix.” Kaya, naging working student daw silang magkakapatid at pinilit nilang maging iskolar.

Larawan ay mula sa Facebook



“Sa tulong at awa naman ng Diyos, nakapagtapos po kaming apat. Ako po ay Electrical Engineer, ang pangalawa ay Civil Engineer, ang pangatlo ay Math teacher at ang bunso ay Mechanical Engineer. Sa tulong po ng dasal, tyaga at sipag, nakapasa din po kaming lahat sa board exam (1 take).”

Dagdag pa niya, marahil ay alam ng Panginoon ang ginawang sakripisyo ng kanilang mga magulang para maitawid sila patungo sa pagtatagumpay. Nakapagpatayo na rin sila ng sarili nilang bahay dahil dati ay nakatira lamang sila sa maliit na apartment.

“Eto po ay patunay na may Diyos. Nakikita nya ang lahat. Kailangan lang po nating manalig at sabayan ng tiwala, sipag at tyaga. Kaya po natin maabot ang lahat, kahit kapos, kahit mahirap. Salamat mg aka-PESO.”



Source: Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Tricycle Driver, napagtapos ang 4 na anak sa kolehiyo
Tricycle Driver, napagtapos ang 4 na anak sa kolehiyo
Maraming netizens ang nagalit sa nag-viral na video ng TikTok influencer na si Buknoy Glamurrr kung saan tila minaliit niya rito ang mga tricycle driv
https://1.bp.blogspot.com/-lqZ7b1dTVF4/X9k4-qJZQkI/AAAAAAAAS7Y/v1WpnuhrJGMJQfaMYs_HJnyovT_U7C9vQCNcBGAsYHQ/s16000/tricy.png
https://1.bp.blogspot.com/-lqZ7b1dTVF4/X9k4-qJZQkI/AAAAAAAAS7Y/v1WpnuhrJGMJQfaMYs_HJnyovT_U7C9vQCNcBGAsYHQ/s72-c/tricy.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2020/12/tricycle-driver-napagtapos-ang-4-na.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2020/12/tricycle-driver-napagtapos-ang-4-na.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy