Larawan ay mula kay Katrina Lovely Constantino/Facebook
![]() |
Larawan ay mula kay Katrina Lovely Constantino/Facebook |
Hindi talaga mawala-wala ang mga taong ang tanging alam lang yata ay ang manl0ko at manlinlang ng kapwa. Idagdag pa riyan ang mga taong nang-aangkin at nagnnakaw ng mga bagay na pinaghirapan at pagmamay-ari ng iba.
Mas pinipili ng ilan sa atin na maglagay ng savings sa mga bank accounts dahil naniniwala sila na may ligtas ang kanilang iniipong pera kung ito ay nasa bangko. Ngunit, kahit pa may safety and security measures na ang bawat bangko, hindi pa rin natitigil ang mga kaso ng scam mers upang masimot ang pera ng may pera.
Isa
nga sa mga nakaranas ng bank scam ang ama ni Katrina Lovely Constantino. Labis
umanong nalungkot ang kanyang ama dahil ang kanyang ipon sa bangko ay kinita
niya mula sa paglilinis at pagre-repair ng mga aircon.
Nakatanggap
daw ang ama ni Constantino ng e-mail mula sa akala nilang orihinal na nagmula
sa Metrobank na nagsasabing disabled ang kanyang bank account dahil umano sa
nakitang unusual transaction. Kailangan din daw i-update ang mga impormasyong
nakalagay rito upang maibalik ang access at pindutin ang “Reactivate Account
button.”
Larawan ay mula kay Katrina Lovely Constantino/Facebook
Aminado
naman si Constantino na hindi ‘techie’ ang kanyang ama sa mga ganoong transaksiyon
kaya pinindot nito ang Reactivate Account. Dito na nga nila nakita ang
‘matagumpay’ na transaksiyon ng pera mula sa account ng kanyang ama patungo sa
taong manlol0ko.
COMMENTS