Source: GiveBackFilms / Youtube Isang pambihirang pagkakataon ang naranasan ng isang hotel cleaner mula sa Utah nang iangat niya ang kumot s...
![]() |
Source: GiveBackFilms / Youtube |
Isang pambihirang pagkakataon ang naranasan ng isang hotel cleaner mula sa Utah nang iangat niya ang kumot sa silid na kaniyang nililinisan.
Mahirap na trabaho ang pagiging hotel cleaner sa Utah;
halos lahat kasi ng nagtatrabaho rito ay hindi nagtatagal. Kaya naman hindi na
inaalis ng may-ari ang sign board na “Job Hiring” na nakalagay sa labas ng
hotel. Naiintindihan din kasi maging ng hotel manager ang pinagdaraanan ng mga
hotel staffs kaya naman hindi na siya nabibigla sa tuwing may mga umaalis sa
mga ito.
Isang araw, isang babaeng nagngangalang Shelly ang
nag-apply upang maging hotel cleaner. Tinanong siya ng hotel manager kung handa
raw ba niyang harapin ang kaniyang trabaho at saka ipinaalam na walang
nagtatagal na tagalinis ng hotel sapagkat nahihirapan daw sila rito.
Ipinagtapat din niyang hindi kalakihan ang suweldong naibibigay nila.
Ngumiti lamang si Shelly at sinabing kailangan na
kailangan niya raw ng trabaho at handa niya raw ito subukan kahit na mahirap.
Matapos balikan ng hotel manager ang kaniyang application
paper, tumango at binati si Shelly na tanggap na siya at maaari nang magsimula
kinabukasan. Subalit, sa likod ng kaniyang isipan, wala pang isang linggo o
buwan ay magpapaalam na si Shelly sa kaniya.
Kinaumagahan, maaga pa lamang ay naroon na si Shelly sa hotel upang simulan ang kaniyang trabaho. Agad siyang nagligpit ng kalat na iniwan ng mga guest, nagwalis siya at nag-mop ng sahig. Pinalitan din niya ang mga punda at bed sheets. Hindi pa man natatapos ang isang silid, nakaabang na sa kaniya ang isa pang silid. Dagdag pa sa kaniyang hirap ang madalas na pagkakaroon ng guests na hindi raw marunong rumespeto.
Halos maubos ang lakas ni Shelly sa araw na iyon dahil sa
kabi-kabilang kalat at paglilinis sa mga kalat sa kuwarto. Subalit wala siyang
magagawa dahil iyon ay parte ng kaniyang trabaho.
Iniisip din kasi ni Shelly na kailangan niya talaga ng
trabaho at ayaw niyang mahirapan pang humanap ng iba. Makalipas ang ilang araw,
sa wakas ay natapos din ang mga labahin ni Shelly at nagulat dito ang manager
dahil sa ipinakita niyang kasipagan. Bumilib din siya kay Shelly dahil hindi
siya nahuhuli sa kaniyang trabaho at natatapos niya ang kaniyang mga gawain
kahit na hindi pa tapos ang kaniyang shift.
Naging “consistent” si Shelly sa kaniyang ginagawa.
Subalit kahit nais ng manager na bigyan siya ng “extra” na kita, hindi naman
sapat ang kinikita ng hotel noong mga panahong iyon. Ngunit sa kagustuhan ng
manager na bigyan ng “reward” si Shelly, tinawagan niya ang dalawa niyang
kakilala na alam niyang makatutulong sa kaniyang hangarin.
Kapwa filmmaker ang dalawang taong kakilala ng manager na
sina Kyle at Josh. Layunin nilang magbigay ng munting gantimpala sa mga taong
masisipag at nagtatrabaho ng husto para sa kanilang pamilya. Binuo nilang
dalawa ang “Gift Back Films” na kalaunan ay nagkaroon ng maraming followers sa
social media platforms. Nang malaman ng dalawa ang tungkol kay Shelly, hindi
nagdalawang-isip sina Kyle at Josh na gawin siyang “subject” dahil na rin sa
mga kuwentong ibinida sa kanila ng hotel manager.
Nag-set up ang dalawa ng mga camera sa isang silid ng
hotel habang nasa kabilang silid naman ang monitor na magpapakita ng aktuwal na
mga pangyayari. Sinadya nilang guluhin ang mga gamit sa kuwarto; sa ilalim
naman ng kumot ay naglagay sila ng perang nagkakahalagang $500. Nag-iwan din
sila ng “note” kung saan nakalagay ang mensaheng iyon ay “tip” para sa
tagalinis.
Nang naihanda na ang lahat, tumawag na sila sa manager
upang simulan ang plano. Nang pasukin na ni Shelly ang silid, wala naman siyang
napansin o nahalatang kakaiba dahil sanay na siyang ganoon kakalat ang
nadadatnan niyang silid, hanggang sa sinimulan niya nang maglinis.
Nagligpit at naglinis na ng mga kalat si Shelly. Nang
marating niya na ang bahagi ng kama, labis na pagkasabik ang naramdaman nina
Kyle at Josh sa magiging reaksiyon ni Shelly. At nang iangat na nga ni Shelly
ang kumot, halos mapaluha siya sa sobrang saya nang makita ang perang nakalatag
para sa kaniya. Hindi siya makapaniwalang makatatanggap siya ng ganitong
kalaking halaga sapagkat mas malaki pa raw iyon kaysa sa kaniyang buwanang
suweldo.
COMMENTS