Source: ABS-CBN News Sa tuwing inaabot natin ang ating pangarap, marami ang nagdududa at hindi sumusuporta sa mga ginagawa nating hakbang. M...
Source: ABS-CBN News |
Sa
tuwing inaabot natin ang ating pangarap, marami ang nagdududa at hindi
sumusuporta sa mga ginagawa nating hakbang. Marami silang nasasabing negatibong
salita na talaga namang nakasisira sa ating buhay. Gayumpaman, ang mga ito ay
hindi pinapansin ng taong pursigidong maabot ang kanyang mithiin.
Isa
na nga rito ang isang lalaking kinilala bilang si Michael Español, na sa murang
edad pa lamang ay namulat na sa hirap ng buhay. Siya ay nakatira sa
Gueguesangen, Mangaldan, Pangasinan. Ang kanyang ama ay isang messenger na
sumasahod ng P10,000 kada buwan, at ang ina naman niya ay mananahi ngunit
walang regular na sahod.
Bilang
panganay, minabuti ni Español na maging isang construction worker kung saan
kumikita siya ng P250 kada araw sa tuwing wala siyang pasok.
Iniipon
niya ang kanyang mga sahod at ginagamit sa pambili ng uniporme at iba pang
school supplies, at para na rin makatulong sa iba pang mga gastusin.
Pahayag pa ni Michael, “Meron pong mga taong hindi naniniwala sa atin. So payo ko po sa inyo,
‘wag na po natin silang intindihin at mag-focus lang tayo sa goals natin.”
Dahil sa kanyang pagsisikap, nagbunga ang pinaghirapan ni Michael dahil matataas ang kanyang grado at kabilang din siya sa mga sumasali sa ilang extra-curricular activities sa Gueguesangen Integrated School. Nagtapos siya bilang Valedictorian ng kanilang klase kung saan saludo sa kanya ang kanyang mga guro at magulang. Isa siyang inspirasyon sa lahat na kahit iilan lamang ang naniniwala sa iyo, tiyak na maaabot mo rin ang iyong pangarap sa tulong iyong sipag at tiyaga.
COMMENTS