Source: Raffy Tulfo in Action Nito lamang Enero 07, nakapanayam ni Raffy Tulfo ang katrabaho at kaibigan ng namayapang flight attendant na s...
![]() |
Source: Raffy Tulfo in Action |
Nito lamang Enero 07,
nakapanayam ni Raffy Tulfo ang katrabaho at kaibigan ng namayapang flight
attendant na si Christine Dacera.
Pagsasalaysay ni Rommel Galido, bandang alas dos o alas
tres daw ng madaling araw ng araw na iyon, nagising siya at nakitang sinasamahan
at akay-akay ni Clark, isa pa nilang kasamahan, si Christine patungong CR.
Pagkatapos daw nito ay hindi niya na alam kung ano ang nangyari sapagkat
bumalik daw siya sa pagkakatulog.
Muli raw nagising si Rommel ng bandang alas diyes na ng
umaga. Nakita niya raw si Christine na natutulog sa bath tub. Ginigising na raw
niya ito upang lumipat daw sa kama upang mas maging komportable. Hindi raw
sumagot o nagmulat ng mata si Christine subalit normal pa naman daw itong
humihinga. Gumalaw raw ang kamay nito na tila pinapaalis si Rommel. Sinunod
naman niya ang kaibigan.
Matapos nito’y kinausap niya raw ang isa pa nilang
kasamahan na si Rey Ingles. Sinabi niyang lasing na lasing daw si Christine at
sinang-ayunan naman siya nito. Nang umalis daw si Rey, kumuha ng kumot si
Rommel upang kumutan daw si Christine. Pagkatapos nito ay natulog daw siyang
muli.
Bandang alas dose ng tanghali, binalikan daw ni Rommel si
Christine at sinubukan itong tapikin sapagkat gusto niya na raw umuwi. Nais
niya na lang din daw isama ang dalaga sa kaniyang apartment para doon na lamang
matulog. Dito na raw napansin ni Rommel na hindi na humihinga si Christine;
hinanap din daw niya ang pulso nito at ang kaniyang “breathing” subalit
“negative” raw ang lahat ng ito. Nangingitim na rin daw ang kuko ng dalaga at
nag-iiba na rin daw ang kulay ng labi nito.
Nang tinanong ng host kung saan galing ang mga pasa ni
Christine, sinabi ni Rommel na naikuwento raw sa kaniya minsan ng dalaga na
nagkakaroon daw siya ng pasa at hindi niya raw alam kung ano ang dahilan nito.
Ang mahabang “scratch” naman daw sa legs ng dalaga ay nakuha niya mula sa
pagkakaipit sa wheelchair nang sinubukan ng kaniyang mga kaibigan na paupuin
siya roon.
Mula sa kanilang room 2209, nagtungo ang magbabarkada sa room
2207 dahil ipinakilala raw sila roon ng kaibigan nilang nagngangalang Edward
Madrid. Ayon naman kay Rommel, hindi niya raw alam kung ano ang intensyon ni
Christine kung bakit ilang beses siyang bumabalik sa room 2207. Subalit, sa
pagkakaalam ni Rommel, naghahanap daw ang dalaga ng “straight” na lalaki sa
nasabing silid.
Sinabi rin ni Rommel na siya ang kaibigang sinabihan ni
Christine na tila ba may nilagay raw sa kaniyang inumin; tila nag-iba raw kasi
ang kaniyang pakiramdam. Pag-amin naman ni Rommel, hindi niya raw ito pinansin
sapagkat nagsasabi at nag-iisip na raw ng kung ano-ano ang dalaga na
nagpapatunay na lasing na raw ito.
Ayon pa rin sa episode ng nasabing programa, sa sumunod
daw na media interview ni Rommel, sinabi niyang si Mark Rosales, may-ari ng
Marqed Salon, ang naglagay ng drugs sa inumin ni Christine.
Nang tinanong naman siya ng host kung “willing” ba silang
sumailalim sa drvg test at lie detector test, pumayag naman si Rommel.
“Sobrang sakit” daw para kina Rommel nang malamang wala na si Christine at nasangkot pa sila sa pagkamatay nito. “Babv girl” nga raw nila ang dalaga sa kanilang grupo at alagang-alaga raw nila ito.
COMMENTS