Source: Igue G. Varra/Facebook Marahil, ang pinakapangarap ng bawat isa sa atin ay ang magkaroon ng sariling tahanan. Isang bahay kung saa...
![]() |
Source: Igue G. Varra/Facebook |
Marahil,
ang pinakapangarap ng bawat isa sa atin ay ang magkaroon ng sariling tahanan.
Isang bahay kung saan makakasama ang mga mahal sa buhay. Ano man ang katayuan
sa bahay, kilalang tao man o hindi, mahirap o mayaman, ay papangaraping magkaroon
ng maayos na bahay: mapa-mansyon man ‘yan o kahit simple lang.
Hinangaan
nga ng netizens ang plano ng isang gasoline boy na tuparin ang kanyang “dream
house.”

Pinuri
ng marami ang 26 na taong gulang na gasoline boy na si Igue G. Varra matapos
niyang ibahagi sa kanyang social media account ang kanyang dream house. Kalakip
din ng post ang sketch sa naturang bahay: may dalawang bedrooms, terrace,
bathroom, simpleng living room, kitchen, at dining area.

Sa
kabuuang 22x24 feet floor area, ipinatayo ni Varra ang pangarap niyang bahay sa
Pamapanga. Hindi nga raw siya makapaniwala na unti-unti nang natutupad ang
pangarap niyang tahanan. Nito lamang Marso 03, 2020, sinimulan ang paggawa sa
nasabing bahay sa tulong ng tatlong karpintero. Binabayaran niya ang mga ito ng
P500 kada araw at may kasama pang libreng pagkain.

Masaya
si Varra sa pag-usad ng kanyang plano. Subalit, kailangang ihinto ang
konstruksyon sa kanyang dream house dahil na rin sa nararanasang pandemy@ at
enhanced community quarantine. Nakapaggastos na siya ng P50,000 para sa steel
trusses at roof materials, at sa kabuuan ay nakagasta na siya ng P250,000 para
sa kanyang pinapagawang bahay.

May kalakihan man daw ang perang nagamit niya, hindi na umano ito mahalaga dahil napupunta naman ito sa pangarap niya para sa kanyang pamil ya.
Source: Igue G. Varra/Facebook
COMMENTS