Source: GMA Public Affairs Napakahalaga ng edukasyon sapagkat ito ang magsisilbing sandata ng isang indibidwal upang baguhin ang mundo at up...
![]() |
Source: GMA Public Affairs |
Napakahalaga
ng edukasyon sapagkat ito ang magsisilbing sandata ng isang indibidwal upang
baguhin ang mundo at upang makamit ang mga hangarin sa buhay.
Patunay
nga rito ang isang estudyante sa Baguio City na nagtitinda ng pagkain sa
kanyang ‘free time’ para masuportahan lamang ang kanyang pag-aaral.
Sa
ipinost na larawan ng netizen na si Maria Michelle Awing-tauli sa kanyang
Facebook account, makikita ang isang estudyante na nakasuot pa rin ng kanyang
‘university uniform’ habang may bitbit na basket sa kanyang kaliwang kamay na
may lamang itlog-pugo, habang mga chicharon naman ang hawak ng kanyang kanang
kamay. Siya ay nag-iikot sa mga establisimyento upang makapagbenta lamang ng
kanyang mga paninda.
Kinilala
ang estudyante bilang si Jonel M. Tejedo, isang estudyante mula sa Univeristy
of Cordilleras at base sa kanyang I.D. card, siya ay kumukuha ng kursong BS
Hospitality Management.
Ayon
sa post ni Maria, “Was so speechless when
I saw him. I admire him for his act. May the young generation imltate his
perseverance… He came from school and need to roam around to sell ballot pugo
and chicharon. The road may be long and bumpy but the success is still at the
end of the road.”
Umani naman ng libo-libong likes at shares ang naturang post. Isang netizen nga ang nagkomento, “This is something that young generations of today should learn from.. Ang edukasyon na minsan at kadalasan we take for granted… Keep going young man.. Your dreams will surely run after your in time.”
COMMENTS