Pangarap ang pinaghugutan ng lakas ng isang ginang na si Ivy Melody Santos Generoso upang tuparin ang hangarin na maging isang guro, kahit na dumadati
![]() |
Source: Ivy Melody - Facebook |
Nakamit
ng isang nanay ang pangarap na maging guro matapos magsumikap bilang isang
waitress sa isang karinderya.
Pangarap
ang pinaghugutan ng lakas ng isang ginang na si Ivy Melody Santos Generoso
upang tuparin ang hangarin na maging isang guro, kahit na dumadating na sa
puntong nahihirapan na siya sa kanyang mga pinagdadaanan.
Bata
pa lamang ay pangarap na ni Generoso ang maging guro upang makatulong sa mga
batang nagnanais na matuto. Ngunit, hindi naging madali ang pag-abot niya ng
kanyang pangarap dahil sa hirap ng buhay. Pinasok ni Generoso ang halos lahat
ng trabahong alam niya upang kumita at makapag-ipon ng pera para sa kanyang
kolehiyo.
Nagtrabaho
siya sa karinderya at naging waitress. Tinulungan na rin siya ng kanyang lola
upang makapag-enroll sa ladderized program at makapagtapos sa kursong Bachelor
of Science in Business Education.
Subalit,
sinubukan niyang maghanap ng trabaho ngunit tila hindi naging sapat ang kanyang
tinapos para makapagturo. Lumipas na daw kasi ang panahon nang walang maayos na
trabaho si Generoso, hanggang sa siya’y magkapamilya na. Sa kabila nito,
naniniwala pa rin siyang magiging guro din siya balang-araw.
Naghanap
ng paraan ang ginang upang makapasok muli sa kolehiyo. Mabuti na lamang at
nabalitaan niya na nagbibigay ng scholarship ang University of Caloocan City
(UCC). Nanalo rin siya sa sinalihang Regional Finalist of Soroptomist
International Phils. na siyang sumuporta sa kanya hanggang matapos ang
kolehiyo.
Saad
niya sa kanyang post, “Ang hirap balikan
kung paano ako nagsimula. Nabiktima ako nang mga taong mapanghusga sa paligid.
Kesyo nag-aral lang daw ako para mag buhay dalaga, nag-aral lang para
magpaganda. Kung kelan matanda na daw ako saka pa ako nag-aral. Bakit daw
nag-anak muna ako bago ko to naisipan etc.
“Literal na ginawa kong umaga ang gabi.
Gigising ako nang sobrang aga para makapamalengke, makapagluto, maihanda yung
kakainin at susuotin nila. Papasok sa school, magmamadali talaga akong umuwi
kasi iniisip ko kung kamusta na sila sa bahay. Pagdating ko, maglilinis ako
nang bahay, maglalaba, mamalantsa, at, pagtulog na sila, saka lang ako
makakapag-aral.”
Dahil sa kanyang pagsisikap, nagtapos si Generoso bilang Cum Laude sa kursong Bachelor of Elementary Education Major in Early Childhood Education.
Tunay ngang walang imposible sa taong nagsusumikap na makahanap ng paraan para makamit ang inaasam na pangarap sa buhay.
Dahil sa kanyang pagpupursigi na makapagtapos ay ganap na nga siyang Guro ngayon.
Source: Ivy Melody - Facebook
COMMENTS