Source: Bea Aspiras/Facebook Simula nang manalasa ang cor0nav¡rus d¡sease 2019 (C0V¡D-19), isa lang ang mga delivery rider at delivery man...
![]() |
Source: Bea Aspiras/Facebook |
Simula
nang manalasa ang cor0nav¡rus d¡sease 2019 (C0V¡D-19), isa lang ang mga
delivery rider at delivery man sa mga taong kailangang lumabas ng bahay upang
makapag-hanapbuhay at para na rin maibigay ang mga bagay at pagkain na pinamili
ng mga tao sa pamamagitan ng online shopping.
Gayumpaman,
marami pa rin sa kanila ang naloloko ng ilang mga customer kung saan o-order
sila ng napakaraming mga bagay ngunit hindi rin naman sisipot sa itinakdang
araw at lugar ng paghahatid ng mga in-order.
Samantala,
pinag-antay ng halos isang oras ng customer ang isang delivery man habang tirik
na tirik ang araw.
Ayon
sa nakakita na nagngangalang “Bea,” halos isang oras daw pinag-antay ng kustomer
ang isang delivery man. Nang lumabas na raw ang kustomer, agad na ngumiti ang
lalaking magde-deliver.
Saad
sa post ni Bea, “Nakita ko si Manong
rider sa labas ng ganito, almost 1hr din syang naghintay dun sa customer.
Honestly, nakaka-awa talaga sila makitang ganito lalo na’t pag nakit mo yung
itsura nila na halatang pagod na. nang lumabas yung Customer, Binati sya ni
Manong nang nakangiti. And he’s old na guys but still manage to do his job.
Kudos to you Manong.
“Kaya guys, di nila deserve saktan at murahin. They’re patiently waiting for us to get our orders’s, yung ibang customer lang talaga walang patience minsan. di po natin alam kung ano lagay nila sa kalsada, respeto na lang sa trabaho nila.”
Source: Bea Aspiras/Facebook
COMMENTS