Nito lamang Disyembre 21, pauwi na umano si Garcia sa kanilang bahay nang makita niya ang isang itim na pouch bag sa gilid ng daan. Ang naturang bag a
Larawan ay mula sa Facebook |
Pinuri
ng Alfonso Lista Municipal Police Station sa bayan ng Ifugao, ang isang siyam
na taong gulang na bata na kinilala bilang si Gernan Jay Garcia, isang Grade 4 student
sa Alfonso Lista Central School, matapos niyang isauli ang isang bag na
naglalaman ng mahahalagang mga dokumento at P32,000.
Nito
lamang Disyembre 21, pauwi na umano si Garcia sa kanilang bahay nang makita
niya ang isang itim na pouch bag sa gilid ng daan. Ang naturang bag ay
naglalaman ng mga papeles tulad ng mga dokumento sa bangko, ID cards, at perang
nagkakahalaga ng P32,000.
Agad
daw dumiretso ang bata sa tanggapan ng pulisya at ipinagbigay alam ang tungkol
sa napulot na bag.
Lubos
namang humanga ang mga tauhan ng PNP Alfonso Lista sa ipinakitang katapatan ni
Garcia, kaya ito’y ibinahagi nila sa kanilang Facebook page.
Inilarawan
ng mga pulis ang katangian ng Grade 4 student sa pamamagitan ng isang quote ng
American author na si Napoleon Hill, “When
you are able to maintain your own highest standards of integrity – regardless
of what other may do – you are destined for greatness.”
Kasabay
rin nito ang pag-anunsyo ng mga pulis sa publiko na pumunta lamang sa kanilang
istasyon ang may-ari ng napulot na pouch bag para kunin ito.
Kinabukasan,
Disyembre 22, pumunta ang isang taong nagpakilalang may-ari ng napulot na bag,
dala ang mga pruwebang sa kanya nga ito. Labis naman ang kanyang pasasalamat
kay Garcia kaya binigyan niya ito ng pera bilang gantimpala sa ginawa niyang
kabutihan.
Source: Facebook
COMMENTS