makikita ang grupo ng mga kalalakihan na binubuksan ang isang malaking drum. Pagbukas sa nasabing drum ay tumambad sa kanila ang napakaraming mga samp
![]() |
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho |
Para
sa ilan, napakadaling gastusin ng pera, at tila napakahirap naman nitong
ipunin. Kaya naman, kanya-kanyang diskarte ang mga tao sa kung paano nila
maiipon ang bawat salaping mayroon sila.
Sa
isang video na ini-upload sa Facebook page ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” noong
Oktubre 20, 2018, makikita ang grupo ng mga kalalakihan na binubuksan ang isang
malaking drum. Pagbukas sa nasabing drum ay tumambad sa kanila ang napakaraming
mga sampung pisong barya. Ang kabuuan ng nalikom na pera sa loob lamang ng
siyam na buwan ay umabot umano sa halos kalahating milyon.
Umani
naman ito ng komento mula sa mga netizens.
“Waaahhh.. Coins shortages is real.. buti
nabuksan na alkansya nyo malaking tulong yan.. Congrats”
“Yung mga baryang iniipon di na tuloy
nagcicirculate. Pahirapan sa barya minsan sa palengke”
“Bawal po iyan ganyan ka daming barya na
ipunin. May kaakibat na parusa po iyan. Dipo bawal mag-ipon maganda nga po iyon
pero un ganyan ka daming barya bawal napo. Lagot kayo sa bangko central.”
Ayon sa mga láwmákérs, naaprubahan noong 2014 ang House B¡ll No. 4411 o “Act Penal¡z¡ng the Hoard¡ng of Legal Tender Coins of the Philippine Currency.” Ito ang batas na pumuprotekta sa mga barya mula sa smuggl¡ng at pinananatili nito ang currency stability ng bansa. Ang sinumang mahuling lumabag sa batas na ito ay papatawan ng parvsang pagkakakul0ng ng walong taon at multang P300,000..
COMMENTS