Isa ang plastik sa nagbibigay ng malaking problema sa ilang mga lugar. Ngunit sa bansang India, ang mga ito ay nakatutulong sa mga estudyante. Sa katu
![]() |
Larawan ay mula sa Google |
Isa
ang plastik sa nagbibigay ng malaking problema sa ilang mga lugar. Ngunit sa
bansang India, ang mga ito ay nakatutulong sa mga estudyante. Sa katunayan,
ginagamit ang plastik bilang pambayad ng matrikula ng mga mag-aaral sa kanilang
paaralan. Sa halip na salapi, plastik ang hinihinging bayad ng dalawang gurong
magkasintahan sa isang paaralan sa India.
Nakilala ang magkasintahan bilang sina Mazin Muktar at Parmita Sarma. Taong 2013 nang unang magkita ang dalawa na parehong nais makapagbigay ng magandang edukasyon sa mahihirap na mga bata. Noon namang 2016 nang magtayo sina Muktar at Sarma ng libreng paaralan sa lugar ng Akshar, sa Assam India.
Nahirapan ang dalawang makahanap ng mag-aaral, noong una, kahit pa na libre ang kanilang eswelahan. Mas pinipili raw kasi ng mga magulang na pagtrabahuin ang kanilang mga anak upang kumita ng pera kaysa sa pag-aralin ang mga ito. Bukod pa rito, napansin ni Sarma na nagsusunog ng plastik ang bawat pamilya sa kanilang lugar. Kaya nag-isip sila ng paraan para masulusyunan ang problema nila sa edukasyon at plastik.
Ipinaalam
ng magkasintahan sa mga tao ang kahalagahan ng edukasyon at masamang dulot ng
mga plastik. Dahil dito, unti-unti nang nagkaroon ng estudyante ang kanilang
paaralan. Linggo-linggo, nagdadala ang mga bata ng 25 piraso ng plastik kapalit
ng pag-aaral nila ng libre. Ang mga natatanggap na plastik ay nire-recycle nina
Muktar at Sarma, at ang iba nama’y ibinebenta nila sa junk shop para matustusan
ang gastusin sa paaralan.
Umani ng papuri ang ideyang ito ng magkasintahan na talagang hinangaan ng karamihan.
Source: www.theguardian.com
COMMENTS