Masiyadong mapanghusga ang ating lipunan – hindi nalalaman ng lahat ang tunay na kuwento sa bawat pangyayari. Isa na rito ang kuwento ng isa...
Masiyadong
mapanghusga ang ating lipunan – hindi nalalaman ng lahat ang tunay na kuwento
sa bawat pangyayari.
Isa
na rito ang kuwento ng isang factory worker na si Raul na walong taon nang
nagtatrabaho. Madalas daw siyang pagtawanan at husgahan dahil itlog at tuyo ang
kanyang ulam, kahit pa sa tuwing araw ng suweldo.
Nginingitian
lamang daw ni Raul ang kanyang mga katrabaho kapag siya ay minamaliit ng mga
ito. Kaya naman daw niyang bumili ng mas masarap na ulam ngunit siya ay nagtitipid
dahil sa iba pang kailangang bayaran.
Sa
loob ng walong taon, wala raw siyang naging kaibigan dahil unti-unti siyang
nilalayuan ng kanyang mga katrabaho. Naririnig pa raw niya madalas na
pinagtatawanan at pinaparinggan siya ng mga ito.
Isang
hapunan, naging tampulan na naman ng tukso si Raul dahil sa kanyang baon na
ulam. Kasama nila sa canteen ang team leader nila na si Reah, na siyang sumita
kay Raul kung bakit itlog at tuyo lamang ang kanyang inuulam. Nahihiya man,
sinagot ito ng lalaki at sinabing may binabayaran siya sa kanilang bahay; sa
kabila nito, patuloy pa rin siyang nakatanggap ng pangungutya. Lumipas ang
ilang araw at napansin ni Reah na hindi pumapasok si Raul matapos nila itong
kutyain.
Isang
gabi, pinatawag ng head manager ang lahat ng mga team leader ng pabrika.
Inanunsyo nito na mayroon silang bagong supervisor na maitatalaga sa
departamento ni Reah.
Maya-maya
pa’y pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng isang simpleng damit ngunit
halatang mamahalin. Nagulat si Reah nang makitang si Raul ang bago nilang
supervisor. Nakaramdam ng takot ang naturang team leader dahil sa ginawa niyang
pangungutya kay Raul noon.
Nang
humingi siya ng paumanhin sa bagong supervisor, nginitian lamang siya nito at
sinabihang magsilbing aral para kay Reah na huwag agad manghuhusga ng kapuwa.
Si Raul ay isa palang working student. Nagulat ang lahat ng kanyang mga katrabaho nang ipakilala siya bilang supervisor. Nahiya nga ang kanyang mga kasamahan dahil sa ipinakita nilang ugali sa kanya noon.
COMMENTS