matumal ang kanyang benta dahil sa nararanasang malamig na panahon. Sakto rin namang ibabalik na raw ng tindero ang kanyang mga paninda sa pinagkuhana
![]() |
Larawan ay mula sa denso tambyahero - Youtube Channel |
Mapapanood
sa Facebook page na “Denso tambyahero” ang isang video kung saan tinulungan ng
isang vlogger ang tindero ng ice buko.
Una
munang kinumusta ng vlogger ang tindero; binanggit ng huli na matumal ang
kanyang benta dahil sa nararanasang malamig na panahon. Sakto rin namang
ibabalik na raw ng tindero ang kanyang mga paninda sa pinagkuhanan nito, at
mukhang pang-remit lamang ang kanyang kinita.
Sunod
na tinanong ng vlogger kung marami pa bang natira sa kanyang paninda. Unti-unti
itong binigay sa mga taong nagdaraan. Ang tindero ay kinilala bilang si
“Letoy,” 40 taong gulang – nakikitira lamang daw siya sa kanyang ate at limang
taon na umano siyang nagtitinda.
Binayaran
ng vlogger ang mga naibigay na ice buko at bibigyan din daw niya ng regalo ang
tindero. Nagpasalamat naman ang huli at binanggit na magagamit din ang pera sa
pagbili ng bigas at ulam.
Nang
ibigay na ng vlogger ang kanyang regalo, tila napahinto ang tindero at sinabing
napakalaki nito para tanggapin niya. Muling nagpasalamat si Letoy sa
napakalaking biyaya na natanggap niya. Nang muling manlibre ang vlogger sa iba
pang mga taong nagdaraan, sinabi niya kay Letoy na babayaran niya ulit ito
ngunit tinanggihan na nito ng tindero.
Tinanggap
ni Letoy ang dagdag na regalo ng vlogger, ngunit sinubukan din niyang ibalik
ang mas naunang natanggap na pera dahil sobra-sobra na raw ang ginagawa nitong
pagtulong sa kanya. Nahihiya raw siya dahil wala siyang maibibigay upang
masuklian ang vlogger.
Ani
ng vlogger sa tindero, natutuwa siya dahil naa-appreciate ng huli ang maliliit
na bagay at isa siyang mabuting tao. Nararapat lamang daw siyang bigyan ng
regalo dahil siya ay masipag. Labis naman ang pasasalamat ni Letoy sa biyayang
kanyang nakuha.
Source: Denso Tambyahero - Youtube Channel
COMMENTS