Lalaking Nangangaliwa o Gumagawa ng “pagtataksil” sa Asawa, Pwede ng Idemanda at Makulong Agad-agad!

Dahil nga umabot na ito at naaprubahan na sa Korte Suprema, maaari nang makulong ang mga lalaking mapapatunayang naging sanhi ng paghihirap ng babae d

Larawan ay mula sa Google

Hindi na bago sa kultura ng Pilipinas ang makakita ng mga taong nagagawang mangalunya o mangaliwa kahit na mayroon na silang asawa o karelasyon. Kadalasan pa nga itong naitatampok sa mga programa sa telebisyon, mga kuwento sa radyo maging sa mga ipinapalabas na mga pelikula.

          Subalit alam ba ninyong maaari nang makulong ang mga gumagawa ng “pagtataksil” na ito?

          Naglabas ng desisyon ang Supreme Court na maaari na raw kasuhan at ipakulong ang mga lalaking nangangaliwa kapag nagdulot ito ng “emotional suffering” at “mental trauma” sa babaeng kanilang niloko. Sa ilalim ng batas na ito, maaari nang kasuhan maging ang hindi pa naikakasal.

Larawan ay mula sa Google

          Paliwanag ni Atty. Gaby Concepcion sa GMA program na “Unang Hirit” noong Oktubre 28, 2020, matagal na raw ang batas na ito at hindi naman nabago. Subalit sa kasalukuyan ay nadagdagan na at mas pinaigting na raw ang batas na ito para sa mga kasong tulad ng “pangingibang-bahay” ni Mister.

          Sa dating Revised Penal Code, parurusahan lamang ng concubinage o pagsasama sa iisang bahay ang lalaking may asawa at ang kaniyang kabit kapag napatunayan talaga ito. Subalit kung patagong binabahay ng lalaki ang isa pa niyang karelasyon at walang magpapatunay na sila nga ay nasa iisang bubong – hindi sila maaaring makasuhan at walang “legal case.”

          Subalit, dahil nga raw nabago na at na-amendahan na ang Revised Penal Code, nagkaroon ng batas na tinatawag na “Anti-Violence Against Women and Children Act” o kilala rin bilang “Republic Act No. 9262” – dito ay pinaparusahan ang mga nagdulot ng “psychological violence” o “emotional effect” sa mga babae dahil pinagtaksilan sila ng kanilang mga asawa.

Larawan ay mula sa Google

          Dahil nga umabot na ito at naaprubahan na sa Korte Suprema, maaari nang makulong ang mga lalaking mapapatunayang naging sanhi ng paghihirap ng babae dahil sa ginawa niyang pangangaliwa.

          Upang masabing “guilty” sa kasong ito ang isang lalaki, kinakailangan lamang ng isang “direct testimony” mula sa asawang babae. Kinakailangan din ang opinyon at testimonya ng isang eksperto tulad ng isang psychologist na nagsasabing ang panloloko ng kaniyang asawa ang naging dahilan ng kaniyang “emotional breakdown,” “depression,” at “hospital confinement.”

          Hindi rin daw sapat na dahilan ang “financial assistance” para maabswelto ang isang lalaki dahil sa kaniyang ginawa.

          Kaya paalala ni Atty. Concepcion sa mga kalalakihan, maging maingat daw sa mga desisyon dahil nagbabago rin daw ang pananaw ng lipunan at Korte Suprema ukol sa mga kasong tulad nito. Ika nga, “You’re happy days are over now.”



Source: GMA News

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Lalaking Nangangaliwa o Gumagawa ng “pagtataksil” sa Asawa, Pwede ng Idemanda at Makulong Agad-agad!
Lalaking Nangangaliwa o Gumagawa ng “pagtataksil” sa Asawa, Pwede ng Idemanda at Makulong Agad-agad!
Dahil nga umabot na ito at naaprubahan na sa Korte Suprema, maaari nang makulong ang mga lalaking mapapatunayang naging sanhi ng paghihirap ng babae d
https://1.bp.blogspot.com/-cEvoGthV1Fc/X_4ehIPIROI/AAAAAAAATV8/-ix7dhIde88zczJuri5muXE3xKXcC1fYACNcBGAsYHQ/s16000/pambabae-wifeisnot.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-cEvoGthV1Fc/X_4ehIPIROI/AAAAAAAATV8/-ix7dhIde88zczJuri5muXE3xKXcC1fYACNcBGAsYHQ/s72-c/pambabae-wifeisnot.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2021/01/lalaking-nangangaliwa-o-gumagawa-ng.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2021/01/lalaking-nangangaliwa-o-gumagawa-ng.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy