Source: Facebook Sa tuwing nababanggit ang isang taong walang tirahan, agad sumasagi sa ating isip na siya ay palaboy-laboy lamang sa kals...
![]() |
Source: Facebook |
Sa
tuwing nababanggit ang isang taong walang tirahan, agad sumasagi sa ating isip
na siya ay palaboy-laboy lamang sa kalsada. Ang iba’y maaaring naninirahan lang
sa kung saan: malapit sa imburnal, malapit sa may basurahan, o kahit pa sa tabi
na mismo ng kalsada.
Ngunit,
ikinagulat ng karamihan ang tirahan ng mag-asawa na 22 taon nang nakatira sa
loob ng imburnal.
Kinilala
ang magkabiyak bilang sina Maria Garcia at Miguel Restrepo na mula sa lugar ng
Medellin, Colombia.
Aakalain
mong madumi ang kanilang lugar sa kadahilanang sa imburnal nga sila nakatira.
Ngunit, kung makikita ito ng iba ay talagang mapapabilib ka dahil ito ay
malinis, hindi mabaho, at maaliwalas.
Sa
katunayan, nagtagpo raw ang mag-asawa sa pamamagitan ng droga. Ngunit nang sila
ay magkatuluyan, nangako sila sa isa’t isa na titigilan na nila ang paggamit sa
bawal na gamot at magbabagong-buhay na.
Sina
Garcia at Restrepo ay tumira sa isang imburnal dahil na rin sa kahirapan at
kawalan ng pera. Sa loob ng kanilang tahanan, mayroon silang kuryente, tubig at
iba pang mga gamit na makikita sa ordinaryong bahay.
COMMENTS