Source: Melason Official/Youtube “Best gift ever” ang ibinigay ng komedyante at host na si Melai Cantiveros sa kaniyang asawang si Jason Fra...
![]() |
Source: Melason Official/Youtube |
“Best gift ever” ang ibinigay ng komedyante at host na si Melai Cantiveros sa kaniyang asawang si Jason Francisco nitong Pasko.
Sa kanilang latest vlog na ini-upload nito lamang Lunes,
ipinakita ni Cantiveros sa kaniyang fans kung paano niya sinurpresa ang
kaniyang asawa sa kaniyang regalong “dark blue pickup truck.”
Ani Cantiveros, “Grabe
kong [itinago] ito. Ito talaga ang masasabi niyang ‘the best gift ever’ dahil
matagal niya itong pinangarap. At ang color nito ay the best for him. So I’m
sure na magugustuhan niya ito.”
Mapapanood
nga sa kanilang vlog ang iba’t ibang strategy na kanilang ginawa para lamang
hindi mahalata ni Francisco ang padating na sorpresa. Ilang sandali pa’y ibinigay
na sa kaniya ang “deliver” na susi ng sasakyan.
Pag-amin naman ni Francisco, “Noong isang araw nakakatunog na ako.”
Nang tinanong siya ng kaniyang kabiyak kung masaya siya sa
kaniyang natanggap, sagot ni Francisco, “Wala
akong masabi… happy. Thank you.”
Nagdiwang ng kanilang ikapitong wedding anniversary ang
“Melason” nito lamang nakaraang buwan.
COMMENTS