Source: Joreen Cuerdo Ruzol / Facebook Matapos ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay siya namang pagbabalik-trabaho ng ilan sa atin. Ng...
![]() |
Source: Joreen Cuerdo Ruzol / Facebook |
Matapos
ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ay siya namang pagbabalik-trabaho ng
ilan sa atin. Ngunit tila ang iba ay tinatamad pang pumasok dahil may
“hang0ver” pa sa nakalipas na holiday season: haharap na naman sa tambak na
gawain at nakapapagod na mga araw. Puwer@ na lamang kung may gagawing “pakulo”
sa inyong pinagtatrabahuan kung saan ay talaga namang nakaka-motivate magsimula
muli sa trabaho.
Sa
video na ini-upload ng netizen na si Joreen Cuerdo Ruzol sa kanyang Facebook
account, mapapanood kung ano ang kanilang tradisyon sa unang araw ng kanilang
trabaho. Mababasa sa kanyang post ang, “Our
yearly tradition of our first day of work.”
Makikita
sa isang opisina ang mga perang papel at mga barya na nakakalat sa sahig. Isang
babae naman ang nakatokang magbubukas ng pinto. Sa pagbukas ng pinto, agad na
pumasok ang mga empleyado at nag-unahan sa pagpulot sa mga pera habang may dala
silang kanya-kanyang lalagyan. Takbo rito, takbo doon: kanya-kanyang diskarte
kung paano makakukuha ng maraming pera.
Ani
pa ng kumukuha ng video, wala pa raw isang minuto ay naubos na ang mga perang
ikinalat sa sahig. Nang kausapin niya isa-isa ang kanyang mga kasamahan,
makikita sa kani-kanilang mga lalagyan ang maraming pera. Sa mga huling bahagi
ng video, bumati ang lahat ng “Happy New Year.”
Umani
ito ng komento at naki-“sana all” pa ang mga netizens dahil sa uri ng pakulong
ito. Ani pa ng isang netizen, ang ganda sa pakiramdam na may mabait kang amo at
nagtatrabaho sa masayang kumpanya.
Sa ngayon ay mayroon ng halos 11,000 reacts, 2,400 comments, at 16,000 shares ang naturang post.
Source: Joreen Cuerdo Ruzol / Facebook
COMMENTS