Source: Harian Metro Isa sa mga problema ng karamihan ang pagkakaroon ng labis na timbang. Lalo pa sa panahon ngayon kung saan madalas laman...
![]() |
Source: Harian Metro |
Isa
sa mga problema ng karamihan ang pagkakaroon ng labis na timbang. Lalo pa sa
panahon ngayon kung saan madalas lamang tayong nasa bahay at wala masiyadong
ginagawang “physical activities.” Minsan, sa pagiging overweight ng isang tao,
nagkakaroon siya ng iba’t ibang uri ng mga sakit.
Ngunit
sa kabila ng nararanasang krisis ng mundo, isa rin itong oportunidad upang
gumawa ng mga bagay na maaaring makapagpabago sa buhay ng isang indibidwal.
Isang
FoodPanda rider ang nakahanap ng trabaho ngayong may pandemya at idagdag pa
rito na sa wakas ay nakapagbawas na rin siya ng timbang.
Apat
na kilo na ang nabawas sa timbang ni Siti Khadijah Suhaimi mula nang siya ay
magtrabaho bilang isang FoodPanda rider. Hindi siya gumagamit ng motor bilang
sasakyan, sa halip ay gumagamit siya ng bisikleta. Dati siyang nagtatrabaho
bilang part-timer sa isang hotel at sa isang fast food chain.
Nawalan
daw ng trabaho ang 29 taong gulang na rider noong Hulyo dahil sa pandemya. Nais
niya raw talagang mamuhay nang hindi nakadepende sa kanyang mga magulang kahit
na ang mga ito ay may pinagkakakitaan.
Para
kay Suhaimi, mahirap talagang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon at ito ay
isang napakalaking pagsubok para sa kanya. Mabuti na lamang dahil natanggap
siya bilang FoodPanda rider kung saan siya gumagamit ng bisikleta.
Aminado naman si Suhaimi na siya ay overweight at nahirapan daw talaga siya noong una dahil sa dami ng kailangan niyang i-deliver, ngunit siya ay nagsumikap.
Hindi
umano niya iniisip ang hirap ng trabahong pinasok niya, lalo na ang
pagbibisikleta. Iniisip na lamang niya na ang kanyang ginagawa ay isang paraan
upang siya ay makapag-ehersisyo.
Pagbabahagi pa niya, “In the beginning, I was embarrassed but I fought off my feelings and thought as positively as I could about all of this. Plus, I lost 4 kgs of my body weight after cycling to deliver orders.”
Source: Harian Metro
COMMENTS