Source: Blooming Sofiya/Facebook Nito lamang taong 2019, nakuha ang atensyon ng isang guro na sumakay sa jeep matapos niyang makita ang b...
![]() |
Source: Blooming Sofiya/Facebook |
Nito lamang taong 2019, nakuha ang atensyon ng isang guro na sumakay sa jeep matapos niyang makita ang braso ng jeepney driver. At nang matuklasan ng guro na si Sofia Domasig ang kuwento nito, ito ay ibinahagi niya sa kanyang Facebook account.
Noong
Oktubre 03, 2019, pauwi na raw si Domasig kung saan sumakay siya sa isang jeep;
at kagaya ng kanyang nakaugalian ay umuupo siya sa likod ng drayber. Hanggang
sa mapatingin daw siya sa manibela ng drayber kung saan nakita rin niya ang
braso nito.
Tinanong
daw agad ni Domasig ang drayber kung siya ay nagda-dialysis, na kinumpirma
naman ng huli at sinabing apat na taon na raw niya itong ginagawa.
Kuwento
pa ni Domasig, “At now na nagmumuni muni
ako habang naghihintay ako ng tren na sasakyan… Nag-flash back lahat ng
paghihirap ng kapatid ko. Alam ko gaano kahirap ang kalagayan ng isang
pasyenteng may Chronic Kidney Failure… Pero si manong driver, nakita ko sa
kanya ang lakas ng loob na nakita ko sa kapatid ko na lumaban din for 4 years..
Lumaban kaming dalawa lalo’t wala
kaming aasahan kundi kaming dalawa lang…
Nakita ko kay Tatang na kailangan
niyang maghanap buhay kahit may malal@ siyang karamdaman… ganun din kapatid ko
noon… Hinihingal, kinakapos ng hininga at kung ano ano nararamdaman pero
kailangan niya akong tulungan maghanap ng pang dialysis niya…”
Sobrang
apektado raw ni Domasig kapag nakakikita siya ng mga “CKD patients,” lalo na ng
mga pasyenteng dapat ay nagpapahinga lamang sa bahay ngunit kumakayod pa rin
para maipagpatuloy ang kanilang pamumuhay.
Nanawagan
din siya sa mga “taong tamad at mahilig
mag-complain sa buhay” na gamitin ang kanilang lakas upang makapagtrabaho
ng mabuti. Hindi raw dapat nagsasayang ng oras ang mga taong kumpleto at
malakas dahil mapalad sila upang magawa ang trabaho ng maayos.
Sa
dulong bahagi ng post, “Sana makarating
ito sa mga taong may kakayahang tumulong, mabigyan ng kabuhayan show case si
Manong driver para bantayan na lang niya at di na niya kailangan magtrabaho ng
pisikalan lalo na sa kanyang kalagayan. God bless po kuya. Long life para sayo.
COMMENTS