"Proud KASAMBAHAY Proud MAGNA CUM LAUDE" tagumpay ng isang Proud anak na mula sa mahirap na buhay

Hinangaan ng mga netizens ang kuwento ni Jarel Barcelona Tadio. Nagsimula raw siyang mangarap nang mapagtanto niyang iba ang antas ng kanilang pamumuh

 

Larawan mula kay Jarel Barcelona Tadio

Gaano man kahirap ang buhay at ano mang antas ang kinabibilangan ng isang indibidwal, kung pursigidong maabot ang pangarap, tiyak na matutupad ito.

Itinampok sa Facebook page na “The CSU Communicator” ang kuwento ng isang kasambahay na nagtapos ng pag-aaral bilang Magna Cum Laude.

Hinangaan ng mga netizens ang kuwento ni Jarel Barcelona Tadio. Nagsimula raw siyang mangarap nang mapagtanto niyang iba ang antas ng kanilang pamumuhay kung ikukumpara sa buhay ng ibang mga tao. Simple lang naman daw ang nais niya noon: ang mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamil ya at mairaos sila mula sa kahirapan.

Larawan mula kay Jarel Barcelona Tadio

Larawan mula kay Jarel Barcelona Tadio


Noong nasa elementarya pa lamang si Tadio, minsan daw siyang tinanong kung ano ang kanyang pangarap. Ilan kasi sa kanyang mga kaklase ang sumagot na nais nilang maging guro, nars, o arkitekto. Hindi raw siya nakasagot agad; at sinabi niya, “Wala. Wala akong gustong maging in the future. Basta mai-ayos ko lang buhay nila mama, ok na ako.”

Pero ang totoo, kaya niya raw iyon isinagot noon dahil alam na raw niyang hindi siya makakapag-aral pagkatapos ng high school. Dahil sa kahirapan, isa raw siya sa mga estudyanteng mas piniling kalimutan ang pangarap.

Isang araw kinausap ako ng mama ko, ang sabi nya: ‘Nak susubukan naming suportahan ang inyong pag-aaral anak, gagawa kami ng paraan.’”

Nang marinig nga raw ni Tadio ang mga salitang iyon, tuwang-tuwa raw ang kanyang kalooban. Ngunit, agad niya itong tinanggihan dahil malulubog lamang daw sila sa utang.

Larawan mula kay Jarel Barcelona Tadio


Pagkatapos ng hayskul, nagtrabaho siya sa catering services kung saan maliit lamang ang kanyang suweldo. Sunod naman siyang namasukan bilang kasambahay: dito ay libre na ang kanyang tulugan, pagkain, meryenda, maging ang TV, cable at wifi.

Minsang naitanong ni Tadio sa kanyang sarili: “Jarel, forever ka na bang kasambahay? Forever nalang bang ganito?” Ito ang nagtulak sa kanya upang muling tuparin ang kanyang pangarap.

Naging working student si Tadio. Tunay nga raw na mahirap at idagdag pa na tila may taong hindi raw masayang nakikita na siya ay nagsusumikap. Nakaranas din daw siya ng pangungutya at diskriminasyon.

Ngunit aniya, “My purpose is to believe in my dreams, to believe that dreams are whispered plans from the Lord. To believe that no matter what my circumstance in life is. DREAMS combined with faith and determination DO COME TRUE.”

Nagpasalamat din siya sa lahat ng taong sumuporta, tumulong at gumabay sa kanya, lalong-lalo na sa kanyang mga magulang.

Saad nga ni Tadio sa bandang huli, “ako po si Jarel Barcelona Tadio. proud KASAMBAHAY proud MAGNA CUM LAUDE.

Larawan mula sa The CSU Communicator - Facebook Page


Source: The CSU Communicator - Facebook Page



COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: "Proud KASAMBAHAY Proud MAGNA CUM LAUDE" tagumpay ng isang Proud anak na mula sa mahirap na buhay
"Proud KASAMBAHAY Proud MAGNA CUM LAUDE" tagumpay ng isang Proud anak na mula sa mahirap na buhay
Hinangaan ng mga netizens ang kuwento ni Jarel Barcelona Tadio. Nagsimula raw siyang mangarap nang mapagtanto niyang iba ang antas ng kanilang pamumuh
https://1.bp.blogspot.com/-UB6tAHHdD58/YAN0VMuaLpI/AAAAAAAATZY/U58n3q-mNioxFQZvecn7rutv9R9a0WiQACNcBGAsYHQ/s16000/34808149_1846154172103322_6215286365618176000_n.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-UB6tAHHdD58/YAN0VMuaLpI/AAAAAAAATZY/U58n3q-mNioxFQZvecn7rutv9R9a0WiQACNcBGAsYHQ/s72-c/34808149_1846154172103322_6215286365618176000_n.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2021/01/proud-kasambahay-proud-magna-cum-laude.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2021/01/proud-kasambahay-proud-magna-cum-laude.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy