Tatlong taong gulang na batang nawala habang nagsha-shopping silang mag-ina, natagpuang natutulog lamang pala sa ibabaw ng mga gift wrappers

Pinag-uusapan muli sa social media ang kuwento ng isang ina matapos kabahan dahil nawawala raw ang kaniyang tatlong taong gulang na anak habang sila a

Larawan ay mula sa GMA News 24 Oras


    Pinag-uusapan muli sa social media ang kuwento ng isang ina matapos kabahan dahil nawawala raw ang kaniyang tatlong taong gulang na anak habang sila ay nagsha-shopping – subalit natagpuan niya na lamang daw itong natutulog sa ilang mga gift wrappers na ibinibenta sa isang home supply store.

        Noong Oktubre 23, 2019 nang ma-feature sa Facebook page ng “GMA News” ang nangyari sa nanay na si Judah Abonitalla. Nagwi-window shopping daw sila ng kaniyang anak sa isang home supply store sa Cagayan de Oro habang naghihintay ng kanilang sundo. Subalit, habang tumitingin daw siya ng mga paninda ay napansin niyang nawawala ang kaniyang nasabing anak na si Zacc.

Larawan ay mula sa GMA News 24 Oras


          Bagama’t nakaramdam daw si Judah ng kaba, kalmado naman daw niyang hinanap si Zacc sa bawat aisle ng nasabing tindahan. Kinalaunan ay natagpuan niya na lamang daw si Zacc na nakahubad na ang suot na sapatos, at mahimbing na natutulog sa ibabaw ng ilang mga gift wrappers. Ani Judah, napagod daw ang anak sa kanilang lakad noong araw na iyon.

Larawan ay mula sa GMA News 24 Oras


          Dagdag pa ng ina, hindi raw malikot si Zacc sa tuwing pumupunta sa mga shopping malls. Naghahanap lamang daw ito ng puwesto upang makapagpahinga sandali.

Narito ang Kabuoang Post ng GMA News:

"LOOK: Para sa maraming ina, bangung0t ang bigla na lang mawala sa tabi ang anak habang nagsho-shopping.

'Yan ang nangyari kay Judah Abonitalla sa isang home supply store sa Cagayan de Oro. Kwento niya, nagwi-window shopping sila ng kanyang mga anak habang naghihintay ng sundo. Habang tumitingin sa mga paninda ay napansin niyang nawawala ang 3-anyos na anak niyang si Zacc.

Bagamat nakaramdam ng kaba si Judah ay kalmado nitong hinanap si Zacc sa bawat aisle ng tindahan. Kinalaunan ay natagpuan niya ang anak na nakahubad na ang suot na sapatos, at mahimbing na natutulog sa ibabaw ng ilang gift wrappers. Aniya, napagod daw ang anak sa kanilang lakad noong araw na iyon. Tulog is life!"

          Sa ngayon ay umani na ng halos 10,000 reacts, 789 comments at 860 shares ang nasabing post.

Larawan ay mula sa GMA News 24 Oras

Source: GMA News 24 Oras



COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Tatlong taong gulang na batang nawala habang nagsha-shopping silang mag-ina, natagpuang natutulog lamang pala sa ibabaw ng mga gift wrappers
Tatlong taong gulang na batang nawala habang nagsha-shopping silang mag-ina, natagpuang natutulog lamang pala sa ibabaw ng mga gift wrappers
Pinag-uusapan muli sa social media ang kuwento ng isang ina matapos kabahan dahil nawawala raw ang kaniyang tatlong taong gulang na anak habang sila a
https://1.bp.blogspot.com/-EGZg_YhlJ9w/X_PAcil_5gI/AAAAAAAATKc/7bP8TpmS0EQUlJ1UBlo1cqg2DVF_cXxpwCNcBGAsYHQ/s16000/kid%2Bsleep%2Bgift.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-EGZg_YhlJ9w/X_PAcil_5gI/AAAAAAAATKc/7bP8TpmS0EQUlJ1UBlo1cqg2DVF_cXxpwCNcBGAsYHQ/s72-c/kid%2Bsleep%2Bgift.jpg
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2021/01/tatlong-taong-gulang-na-batang-nawala.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2021/01/tatlong-taong-gulang-na-batang-nawala.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy