Naging palaboy ang isang British national matapos umano siyang iwan ng kanyang ka-live in na Pilipina. Kinilala ang dayuhan bilang si Davi...
Naging
palaboy ang isang British national matapos umano siyang iwan ng kanyang ka-live
in na Pilipina.
Kinilala
ang dayuhan bilang si David Dobson na 74 taong gulang. Kuwento niya, iniwan daw
siya ng kanyang Filipina live-in partner. At simula noon, nagpalaboy-laboy na
lamang siya sa lansangan at wala nang halos makain. Mabuti na lamang daw dahil
natulungan siya ng isang simbahan na Seventh Day Adventist Church sa Sibionga
Chapter.
Dito
nakausap ni Dobson si Ma’am Julie Ann, at sinabi ng una na pakainin siya dahil
tatlong araw na siyang hindi kumakain. May sakit, payat at mabaho umano ang
dayuhan at tinulungan siya ng simbahan upang siya ay madala at maipagamot sa
ospital. Sagot ng simbahan ang lahat ng gastos at kalaunan ay gumaling na mula
sa lagnat at ubo ang British national.
Kada
Sabado ng hapon, pagkatapos ng misa, binibigyan si Dobson ng pera na gagamitin
niya sa buong linggong pagkain. Dagdag pa ng dayuhan, isang lugar sa bundok at
malayo sa bayan ng Sibionga ang kanyang inuuwian. Maruming sementong sahig daw
ang kanyang higaan kung saan ay walang unan at kumot. Wala rin daw tubig doon
kaya hindi siya nakakaligo.
Mahirap
daw ang pagproseso sa kanyang mga papeles sa kadahilanang nailipat umano sa
Maynila ang British console sa Cebu. Isa itong malaking problema sa kung paano
matutulungan si Dobson na makauwi sa kanyang bansa. Wala rin daw siyang mga
dokumento lalong-lalo na ang passport.
Gustuhin man daw nilang tulungan ang British national subalit kapos din daw sila sa perang igagasta para sa transportasyon at iba pang bayarin nito.
COMMENTS