Source: www.stuff.co.nz Nang-iimbita ang isang 70-anyos na German multi-millionaire ng 10 taong “mababait” na handa raw siyang samahang ma...
![]() |
Source: www.stuff.co.nz |
Nang-iimbita ang isang 70-anyos na German multi-millionaire ng 10 taong “mababait” na handa raw siyang samahang manirahan sa kaniyang lupain sa New Zealand.
Sa isang advertisement, ikinuwento ng hindi nagpakilalang
matanda na natagpuan niya ang isang magandang bukid sa New Zealand nang
magtungo siya rito noong 2000.
\ At makalipas ang 10 taon matapos niyang bilhin at maisaayos ang nasabing lupain, sinabi niyang nais niya raw ibahagi ang “paraisong” ito sa mga mabubuting tao.
Aniya, “Now where
everything is finished I would like to share the ‘paradise’ with nice people,
up to 10 (women and men). They could live in houses by two persons and share a
beautiful winery or social meetings and dining.”
Tinawag na “Awakino Estate” ang nasabing lugar at matatagpuan
sa kanluran ng North Island. Ito ay tinatayang nasa $5.6 milyon, o katumbas ng
P280 milyon.
Sabi pa niya, “If
you are interested to live a life with a group of interesting people, it can be
a new life for you.”
Samantala,
ayon sa Taranaki Daily News, nabili ito ng matanda bago pa ipagbawal sa
nasabing bansa ang pagbebenta ng ari-arian sa mga dayuhan.
COMMENTS