Hinangaan ang Trabahador ng DPWH, dahil sa isinauli ang napulot na bag na puno ng bungkos-bungkos na pera.

Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook Hinahangaan ang isang trabahador ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa katapatan na ipina...

Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

Hinahangaan ang isang trabahador ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa katapatan na ipinakita at hindi nagdadalawang-isip sa isauli ang bag na may lamang malaking halaga na pera na kanyang napulot.

Nakilala ang matapat na trabahador na si Bernardo Dela Cruz, isang survey aide ng ahensya, nanaig ang katapatan  at dahil hindi kailanman nagpasilaw sa pera na kanyang napulot.

Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

Sa paglalahad ni Bernardo, nagbibisikleta siya pauwi galing ng palengke dala-dala ang biniling konsumong dalawang kilong bigas at saging nang makita niya sa gilid ng daan ang isang kulay itim na bag.

Hinuntuan niya ito at nang binuksan ay laking gulat niya ng makita ang laman ng bag ay mga bundle ng pera na nagkakahalagang Php 360,000.00, passbook at passport. Hindi ito nag-isip na itakbo na lamang ang nakitang pera. Sinubukan niyang hanapin ang contact number sa mga gamit na laman ng bag upang maisauli sana ito, ngunit wala itong nakita.

Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

Minabuti niyang isangguni ang napulot na mga pera at mahahalagang dokumento sa DPWH Administrative Division Chief, Atty. Joey D. Gingane, at sila na ang umaksyon at gumawa ng paraan para mahanap at matukoy ang nagmamay-àri ng mga pera at mga ibang gamit. 

Hindi rin nagtagal ay nahanap ang nagmamay-àri ng isang Supervisor-Cashier na si Jean A. Hinayon, ng San Isidro Upland Farmers Multipurpose Cooperative (SIUFMULCO) sa Santiago, Agusan del Norte.

Kwento ni Hinayon kakapa-encash niya lang umano ng cheke ng nasabing organisasyon at huli na nang malaman niyang nawala na ang bag na pinaglagyan niya ng mga pera. Hinala niya ay baka nahulog at naiwan niya sa nasakyang pampasaherong sasakyan ngunit bigo siyang makita ito.

Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

Agad naman niya itong ini-report sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. Aminado si Jean na sobra ang nararamdamang niyang takot at pag-alala, dahil baka hindi niya na mahanap ang pera at wala siyang pambayad sa malaking halaga na nawala.

Ibinalik naman ng DPWH Regional Director Pol M. Delos Santos at ni Bernardo ang nakitang bag at lahat ng laman nito sa mga miyembro ng kooperatiba kasama ang supervisor na si Jean, upang personal na magpaabot ng kanilang pasasalamat sa kabaitan at katapan ni Bernardo.

Laking paghanga naman ni Delos Santos sa ipinamalas na katapatan ni Bernardo at hindi nagpabulag sa laki ng pera.
“I am happy that he was not blinded by money,”
His honesty and action are worthy of emulation. Mr. Bernardo Dela Cruz embodies the core values of DPWH.” 

 

Maraming netizen ang humanga at sumaludo sa katapatan ni Bernardo, kaya naman ito ang kanilang mga komento:
"He deserve to be promoted as for commendation. He is a man of Integrity who set by example and a worthy of emulation. God bless sir"

"Hats off to you sir. Thank you for setting a good example as a true public servant.You’re good deed is inspiring. May you be blessed abundantly. "

"MR. BERNARDO DELA CRUZ, DPWH Caraga, you have my respect, sir. I hope and pray that all the other employees of your office are as honest as you. "

"Good job sir. God will pay you back in many ways. "
Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Hinangaan ang Trabahador ng DPWH, dahil sa isinauli ang napulot na bag na puno ng bungkos-bungkos na pera.
Hinangaan ang Trabahador ng DPWH, dahil sa isinauli ang napulot na bag na puno ng bungkos-bungkos na pera.
https://1.bp.blogspot.com/-5eC7XOtgDZk/YCsWi1Z9qBI/AAAAAAAAUCA/uvag76Tp16QiwUp2v-4zUhylZiJNjCWUwCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-02-16T083419.474.png
https://1.bp.blogspot.com/-5eC7XOtgDZk/YCsWi1Z9qBI/AAAAAAAAUCA/uvag76Tp16QiwUp2v-4zUhylZiJNjCWUwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-02-16T083419.474.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2021/02/hinangaan-ang-trabahador-ng-dpwh-dahil.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2021/02/hinangaan-ang-trabahador-ng-dpwh-dahil.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy