Source: Van Curada Espiel Contreras/ Facebook Usap-usapan ngayon sa social media ang isang post kung saan makikita ang hindi matukoy na ni...
![]() |
Source: Van Curada Espiel Contreras/ Facebook |
Usap-usapan
ngayon sa social media ang isang post kung saan makikita ang hindi matukoy na
nilalang na natagpuan ng mga kalalakihan.
Source: Van Curada Espiel Contreras/ Facebook |
Ayon sa Facebook post ng netizen na si Van Curada Espiel Conteras, makikita ang mga larawan at video ng nasabing nilalang. Ayon pa sa post, “Kayo na Bahala Humusga kong anong Uri ng Hayop to sa dagat. May buhok at Matulis ang ngipin nya. Ilang araw na to kase May amoy na.” Nakita umano nila ito sa Baybay Burgos, Siargao Island.
Source: Van Curada Espiel Contreras/ Facebook |
Sa mga kalakip na mga larawan, makikitang mukhang naaagnas at nabubulok na nga ang kakaibang uri ng hayop na kanilang nakita. Tila isa itong uri ng malaking isda, ngunit makikitang may mga buhok ito.
Source: Van Curada Espiel Contreras/ Facebook |
Halos
hindi na matukoy kung anong uri ito ng hayop dahil halos bungo na lamang ang
nakikita rito. Mapapanood naman sa 25-second-video kung paanong sinuri ng grupo
ng mga lalaki ang naturang hayop habang nakatakip sila ng kanilang mga ilong.
Source: Van Curada Espiel Contreras/ Facebook |
Kanya-kanya
namang hula ang mga netizens kung ano nga ba ang tawag dito. May ilang nagbiro
na ito raw ay sirena o sea lion. Nagkomento naman ang isang netizen ng isang
screenshot ng larawan ng ‘dugong skeleton’ na mahihinuhang kamukha ng nilalang
na natagpuan ng mga kalalakihan. May ilan pa ngang m-in-ention ang programang
“Kapuso Mo, Jessica Soho,” National Geographic, BBC News, at may mga hashtag pa
na #SOCO.

Source: Van Curada Espiel Contreras/ Facebook |
Sa ngayon ay mayroon ng mahigit 7,200 reacts, 7,900 comments, at 28,000 shares ang naturang post.
Source: Van Curada Espiel Contreras/ Facebook |
COMMENTS