Lolo na may edad 69 anyos nakakapangopra at nakakapagbalat pa ng niyog kahit bulag

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho Ipinalabas sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” noong Hulyo 15, 2018 ang kuwento ng isang 69 anyos na bul...

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ipinalabas sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” noong Hulyo 15, 2018 ang kuwento ng isang 69 anyos na bulag na lolo na pangongopra o pagbabalat ng niyog ang ikinabubuhay sa Lupon, Davao Oriental.

Maaga pa lamang, bumabangon na si Jr Velasquez, o Lolo Mano, upang makapagsibak ng kahoy para sa kanyang pagluluto. Tamang kapa lamang ang kanyang ginagawa, kahit pa sa paghihiwa ng mga gulay. Pagbabalat ng niyog ang kanyang pinaka-hanapbuhay kung saan kinokontrata siya at sinusundo sa kanyang bahay kapag may babalatan.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ayon sa may-ari ng koprahan na si Jofrey Lemosnero, iba raw at mas malinis magbalat ng niyog si Lolo Mano kumpara sa kanila na malinaw naman ang paningin, dahil mabilis at malinis daw itong magbalat ng niyog. Nasa mahigit 1,000 niyog umano ang nakakaya niyang balatan kung saan kumikita siya ng P300 kada araw. Pagkatapos ng trabaho, hindi na ihahatid at mag-isa nang maglalakad pauwi si Lolo Mano, kung saan ay nakayapak siyang naglalakad sa mabato at maputing na kalsada.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Normal naman daw ang paningin ni Lolo Mano noong siya ay isinilang, ngunit matapos magka-tigdas noong siya ay tatlong taong gulang, dito na nagsimulang lumabo ang kanyang paningin. Hanggang tuluyan na nga siyang nabulag noong siya ay 12 taong gulang. 40 anyos na siya nang siya ay makapatingin sa doktor at wala naman siyang pera para magpa-opera.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Taong 2016 nang pagbintangan si Lolo Mano sa isang krimen. Kuwento niya, “Pinagbintangan pa ako ng bayaw ko, sabi niya ipapakulong daw niya ako kasi pinagsamantalahan ko raw ang anak niya. Pero hindi ‘yon totoo. At doon inimbestigahan ako. Pag-imbestiga sa akin, hindi nila ako ikinulong. Wala silang ebidensya na nakita kaya hindi nila ako ikinulong.” Dahil dito, pinalayas siya ng kanyang kapatid; mabuti na lamang dahil tinanggap siya ng kanyang apo sa pamangkin na si Michelle Urbano.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Kinagigiliwan naman ng matanda ang musika; inaanyayahan siyang kumanta kapag may mga okasyon ngunit nanghihiram lamang ng gitara.

Ayon sa ophthalmologist na si Dr. Jose Fernando Cuevas, may poor light perception si Lolo Mano. Subalit, komplikado na raw kung magsasagawa pa ng surgery dahil baka mawala na ng tuluyan ang paningin ng matanda.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ipinaayos din ng programa ang kanyang kubo at niregaluhan din ng gitara.
 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Lolo na may edad 69 anyos nakakapangopra at nakakapagbalat pa ng niyog kahit bulag
Lolo na may edad 69 anyos nakakapangopra at nakakapagbalat pa ng niyog kahit bulag
https://1.bp.blogspot.com/-wZuWsblr08o/YDSIE8KPvwI/AAAAAAAAUKU/kpFXwPtk-QQG0k4Eaneh-UVKnwy87685wCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-02-23T124305.562.png
https://1.bp.blogspot.com/-wZuWsblr08o/YDSIE8KPvwI/AAAAAAAAUKU/kpFXwPtk-QQG0k4Eaneh-UVKnwy87685wCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-02-23T124305.562.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2021/02/lolo-na-may-edad-69-anyos.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2021/02/lolo-na-may-edad-69-anyos.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy