Source: Kapuso Mo, Jessica Soho Alam naman nating mahirap kumita ng pera, pero anong gagawin mo kung makahuhukay ka ng napakaraming mga sa...
![]() |
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho |
Alam
naman nating mahirap kumita ng pera, pero anong gagawin mo kung makahuhukay ka
ng napakaraming mga salapi?
Ipinalabas
sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ng mga construction worker
na nakakita ng limpak-limpak na mga salapi.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho |
Nagkagulo ang grupo ng mga construction worker sa Barangay Telaje, Tandag City, Surigao del Sur habang sila ay naghuhukay sa ginagawa nilang kanal. Nahukay lang naman nila ang mga salaping tinatayang nasa mahigit P100,000 hanggang P300,000, na siyang pinaghati-hatian ng mga ito.
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho |
Ayon
sa unang nakahukay raw ng pera na si Wilfred Asilom, natamaan umano ng backhoe
ang isang malaking supot kaya ito napunit at nakita na nilang may lumabas na
pera. Natuwa ang mga trabahador dahil isa itong biyaya sa panahon ngayon ng
pandemya.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho |
Ngunit nang ito’y kanilang sinuri, luma na pala ang mga natagpuang pera. Ang mga perang papel na 20, 50, 100, at 500 peso bill na naimprenta noong 1985 hanggang 2017 ay na-demonetized na.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho |
Pahayag naman ni PLtCol. Jeffrey Laurence Mauricio, PNP Chief ng Tandag City, Surigao del Sur, “Ongoing pa kasi ang investigation natin, kaya gusto naming malaman ‘yong mga first na mga nag-construct diyan. Mapatunayan talaga natin kung saan nanggaling ang mga pera na iyon.”

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho |
Dagdag pa ng Deputy Director ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Maja Gratia Malic, hindi na magagamit o mapapalitan ang mga perang nahukay sa kadahilanang natapos na ang nakalaang petsa kung kailan maaari pang mapalitan ang mga ito.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho |
Dahil
dito, nanghinayang ang mga construction worker sa pag-aakalang makatutulong ang
salaping kanilang natagpuan para sa kanilang pang-araw-araw na buhay ngayong
may krisis na hinaharap ang mundo.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho |
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho
COMMENTS