Ang kuwento ng pag-iibigan ng isang binatang Pilipino at isang Finnish na dalaga, talaga namang mapapa "sana all" ang lahat

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho Ipinalabas sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ng pag-iibigan ng isang binatang Pilipino at ...

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ipinalabas sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ng pag-iibigan ng isang binatang Pilipino at isang Finnish na dalaga.
Tunghayan ang pag-iibigan ng Pilipinong si Jim Bryan Calonia at ang Finnish na si Jasmina Cirstea.

Nagmula ang lalaki sa Cabadbaran City, Agusan del Norte. Aminado si Calonia na marami siyang bisyo at siya ay babaero. Dahil sa kagustuhang magbago at makaipon, nag-bartender siya sa barko. 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Kung sino-sinong foreigner din daw ang kanyang nakarelasyon hanggang sa masaktan siya sa isa sa mga naging nobya niya. Apat na taon ang lumipas bago niya nakilala ang babaeng muling nagpatibok ng kanyang puso.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Taga-Finland si Cirstea kung saan circus ang kanilang family business. Siya raw ang manager doon, tagagawa rin ng poster at tagatayo ng tents. Ngunit, malungkot daw ang buhay niya roon dahil biktima siya ng bullying, at insecure sa kanyang sarili. 

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Kaya, nagpasya siyang umalis at mag-travel sa iba’t ibang lugar. Nang makasampa sa isang European cruise, dito na niya nakilala si Calonia. At dito na nga sila naging chatmates.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Matapos ang dalawang buwan, naging opisyal ang kanilang relasyon sa mismong kaarawan ng dalaga. Si Cirstea nga raw ang nagpabago kay Calonia. Aniya, “Sabi niya, ‘I don’t want you to smoke, it’s not good for your health.’ So sabi ko, wow, parang ito na talaga. Kasi never in my life ‘yong mga exes ko na pagsasabihan ako na ‘Bawal ‘yan.’”

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Para naman sa dalaga, “I feel secured. I don’t feel empty like before. When I met him I was like, well, I really have everything now.”

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ito ang pahayag ni Bryan:
“Even though I’m not handsome, naging babaero ako. Pero nagbago ‘yun nang nakilala ko sa pinagtatrabahuan kong cruise ship si Jasmina.
One time, dumaan si Jasmina sa bar, na-starstruck talaga ako. Sobrang ganda kasi niya. Sabi ko, ‘Huy. Parang ito na talaga.’ Speechless ako tuwing malapit siya. Hindi ko ma-explain ‘yung feeling.
Tapos sakto rin na may show ako nu’n. Sa routine ko, may flying kiss towards the crowd. Paghagis ko ng shaker, saktong dumaan siya! Sa kanya ko pinoint ‘yung finger. Nagsigawan ‘yung mga tao!
For me, parang nag-slow mo ‘yung paligid. Parang kami lang ni Jasmina ang tao.
Hanggang sa naging magka-chat kami sa Facebook.
Hanggang natapos na ‘yung cruise nila. Umuwi siya sa Finland. Ako, bumalik na ng Pilipinas. But still I tried to message her everyday. Hindi kasi siya mawala sa isip ko.
Until we developed feelings for each other.”
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ayon naman kay Jasmina:
“I met Bryan on a cruise ship.
He had a really nice smile. I thought he was cute.
He would say 'Hi' to me, I would either just say it back or just slightly nod my head.
One time, I happened to pass by the bar when Brian was performing. When he did the flying kiss, he was pointing right at me!
I thought, 'Is this for me?'
I was really shocked. But it made me really happy. I felt 'kilig'!
Then while I was at the back of the bar, Brian took the opportunity to ask for my name and for my Facebook.
I gave it to him. His face lit up. He looked so happy. It was really cute!
When the cruise ended, I went back to Finland. We started chatting.
Then I started to have feelings for him. I couldn't stand to be far from him."
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Tinapos na ni Calonia ang kontrata niya sa barko at balak nilang magtayo ng negosyo sa Mindanao. Habang si Cirstea naman, iniwan ang buhay sa Finland para makasama ang kanyang mahal.

Nang magbakasyon sila sa Cebu noong nakaraang taon, naabutan sila ng lockdown. Dito nasubok ang kanilang samahan; mabuti na lamang dahil nagdesisyon silang magkaroon ng negosyo.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Nangako naman ang dalawa na mamahalin nila isa’t isa kahit ano mang mangyari.
Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Ang kuwento ng pag-iibigan ng isang binatang Pilipino at isang Finnish na dalaga, talaga namang mapapa "sana all" ang lahat
Ang kuwento ng pag-iibigan ng isang binatang Pilipino at isang Finnish na dalaga, talaga namang mapapa "sana all" ang lahat
https://1.bp.blogspot.com/-UnkOFp5Lxnw/YEsKIJvYbtI/AAAAAAAAUpQ/g73_tZVEdcUIlOgNHr2j4ju9BP3VZFc-wCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-03-12T142358.241.png
https://1.bp.blogspot.com/-UnkOFp5Lxnw/YEsKIJvYbtI/AAAAAAAAUpQ/g73_tZVEdcUIlOgNHr2j4ju9BP3VZFc-wCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-03-12T142358.241.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2021/03/ang-kuwento-ng-pag-iibigan-ng-isang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2021/03/ang-kuwento-ng-pag-iibigan-ng-isang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy