Construction worker na kumikita lamang ng P250 kada araw noon nanalo sa lotto ng P1.2-million, Tuluyan kaya siyang naging maswerte?

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho Ini-ere sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ng dating construction worker na kumikita lamang...

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

Ini-ere sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ng dating construction worker na kumikita lamang ng P250 kada araw noon – na ngayon ay nanalo sa lotto ng halagang P1.2-million.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

    Laking hirap daw mula sa Basey, Samar si Jack Morales. Pangingisda raw ang pangunahin nilang ikinabubuhay; lima silang magkakapatid ngunit wala ni isa sa kanila ang nakatapos ng pag-aaral.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

    Subalit ang pinakamalaking dagok daw na dumating sa kanilang buhay ay noong nasalanta sila ng Super Typhoon “Yolanda” noong 2013 kung saan na-“wiped out” ang kanilang tahanan.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

    Ngunit ang trahedyang ito raw ang nagbigay daan kay Jack upang magkaroon ng bagong trabaho. Dahil maraming rehabilitasyon at housing projects ang isinasagawa sa Samar matapos masalanta ng nasabing bagyo, ang dating mangingisda na si Jack ay naging isang contruction worker.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

    Maliban pa raw dito, sikat na sa kanilang probinsiya ang ilegal na pagtataya sa “645” subalit sa kanila raw ay may “legal version” ito kung saan tumataya sila sa mga lotto outlets. Tatlong numero lamang daw ang kailangang tayaan dito – mula 1 hanggang 45. At kapag binola na raw ang mga ito at tumama sa tatlong numerong iyong napili – siguradong “jackpot” ka na.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

    “Nakita ko pong may nagpapataya, tumaya po ako… Taya po ako nang taya araw-araw. ‘Pag may gusto po akong number, iyon po ‘yong tinataya ko,” ani Jack.
    Una raw tumaya araw-araw si Jack sa halagang P50. Kapag tumama raw ang mga numero ay maaari kang manalo ng P15,000. At makalipas lamang daw ng tatlong linggo, nakuha ni Jack ang nasabing premyo.
    Dahil daw dito ay mas naengganyo pang tumaya si Jack. Mula P50, naging P100 na ang kaniyang taya. Makalipas lamang ang ilang linggo, nanalo muli siya at naiuwi ang P30,000 – na siyang ipinambili raw nila ng mga gamit sa bahay at pinantustos sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

    Tila “nalulunod” na raw sa pagtataya si Jack. Pagbabahagi naman ng kaniyang asawa, hindi raw nila alam na tumataya raw muli si Jack sa “645” at nagugulat na lamang sila kapag sumasayaw raw siya sapagkat natanggap niya na naman daw ang balitang nanalo muli siya.
    Sa bisperas din ng kaniyang kaarawan, itinaya raw ni Jack ang P1,000 para sa inaasahang premyong nagkakahalaga ng P300,000. Sunod naman ang P1,500 para sa inaasagang P450,000 na premyo. Pagkatapos ay muli siyang tumaya sa halagang P1,500.
    At sa gabi rin daw na iyon, ang tatlong halagang itinaya niya – napanalunan at natanggap niya ang kabuuang P1.2-milyong piso.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

    Matapos nito, nag-resign na siya bilang construction worker. Naplano na rin niya kung saan gagamitin ang napanalunang halaga – itinabi raw ni Jack ang P200,000 para sa kaniyang anak. Sunod naman niyang inilaan sa investment ang P800,000. Ginamit naman sa pag-aayos sa kanilang bahay ang P10,000 samantalang ang natitirang P190,000 ay inilaan nila para sa kanilang savings.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

    Subalit aminado raw si Jack na hindi siya wais sa paghahawak ng pera. Ang P200,000 kasi na savings sana nila – nagastos niya lamang sa loob ng isang linggo. Araw-araw daw kasi siyang umiinom at nagbibigay ng balato. Hanggang sa hindi niya namamalayang nagalaw na rin niya ang P200,000 para sa kaniyang anak. Nalugi naman ang in-invest niyang P800,000 sa isang construction site.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

    Sa loob lamang ng tatlong buwan, naubos ang napanalunan ni Jack. At ang mas mabigat pa rito – may utang siyang nagkakahalaga ng P600,000.

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

    Dahil dito, dumadaan daw sa matinding depresyon si Jack. Tinulungan naman siya ng nasabing programa na magpatingin sa isang espesyalista. “Major Depressive Disorder” daw ang pinagdaraanan ni Jack. Dagdag pa rito, binigyan sila ng kaunting puhunan upang makapagsimulang muli.

    Gayunpaman, hindi pa rin daw bumibitiw sa kaniyang pangarap si Jack – na balang araw ay makakaahon din sila sa hirap – lalo na’t natuto na raw siya sa leksiyon ng kaniyang naranasan.

  Ang programa naman ng Kapuso Mo, Jessica Soho ay nagbigay tulong sa mag-asawa at upang may pangsimula sila ulit.


Source: Kapuso Mo, Jessica Soho

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Construction worker na kumikita lamang ng P250 kada araw noon nanalo sa lotto ng P1.2-million, Tuluyan kaya siyang naging maswerte?
Construction worker na kumikita lamang ng P250 kada araw noon nanalo sa lotto ng P1.2-million, Tuluyan kaya siyang naging maswerte?
https://1.bp.blogspot.com/-czlN9fporRk/YEDTYlT6O0I/AAAAAAAAUag/3UgrNjJ8Jqk3IjbmitvXHPkOJ3lp3564QCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-03-04T203225.299.png
https://1.bp.blogspot.com/-czlN9fporRk/YEDTYlT6O0I/AAAAAAAAUag/3UgrNjJ8Jqk3IjbmitvXHPkOJ3lp3564QCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-03-04T203225.299.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2021/03/construction-worker-na-kumikita-lamang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2021/03/construction-worker-na-kumikita-lamang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy