Mga Lolo at Lola na hanggang ngayon ay kumakayod pa rin upang may ipantustos sa kanilang pamilya

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube GMA Public Affairs Kumakayod pa rin sila’t naghihirap – kahit na nasa dapithapon na sila ng kanilang...

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

GMA Public Affairs Kumakayod pa rin sila’t naghihirap – kahit na nasa dapithapon na sila ng kanilang mga buhay.

Sa isang report ni Maki Pulido na ipinalabas ng GMA program na “Reporter’s Notebook”, ipinakilala sina Epifanio Agua, 87, taga-Kapalong, Davao Del Norte at si Avelino Piso, 57, isang bulag na taga-Tondo – na kumakayod pa rin upang makapagpatuloy pa rin sa buhay.

  “Kung hindi ako magtratrabaho, wala kaming kakainin,” pahayag ni Lolo Epifanio.

At kahit may katandaan na, pinipilit pa rin nilang magtrabaho upang matustusan ang kani-kanilang pamilya.

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

Naabutan daw ng programa si Lolo Epifanio na bitbit ang dalawang sakong naglalaman ng mga gulay na kaniyang ibinibenta. Mahigit 20 kilometro raw ang nilalakad araw-araw ni Lolo Epifanio at napakahalaga raw sa kaniya ang bawat sentimong kaniyang kikitain mula sa pagtitinda – at kahit umulan daw o bumagyo ay kinakaya niyang magtinda. Kumikita siya rito ng P50 hanggang P100 kada araw.

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

Ilang oras matapos ang kaniyang paglalako, umuuwi si Lolo Epifanio bitbit pa rin ang dalawa niyang sako – subalit bigas na ang laman nito na siyang iuuwi niya para sa kanilang mag-asawa.

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

Hirap nang makakilos ang kaniyang kabiyak na si Lola Conchita, 82. Mayroon daw silang limang anak subalit may kaniya-kaniya na raw pamilya ang lahat ng ito.

Sa tala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Statistics Authority (PSA), sa 6.3 milyon na senior citizens sa Pilipinas – 2.8 milyon dito ang itinuturing na mga “indigent.”

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

Ayon naman sa Republic Act No. 9994 (Expanded Senior Citizens Act), ang mga senior citizens na mapatutunayang “indigent” ng DSWD ay nararapat na makatanggap ng P500 na buwanang pensyon mula sa lokal na pamahalaan.

Natatanggap naman daw ito ng mag-asawa subalit kulang daw ito para sa kanilang mga gastusin.

Ani Lolo Epifanio, “Kahit P1,000, kulang pa sa konsumo namin.”

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

Dati raw nagtatrabaho sa isang tubuhan si Lolo Epifanio. Subalit nang hindi na niya nakaya ang trabaho rito, nakitanim na lamang siya sa kanilang lugar. Ngunit gaya rin dito ay kakarampot lamang na halaga ang kinikita niya sa isang araw.

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

Taong 2016 naman daw nang unang maitampok ng programa ang kuwento ni Lolo Avelino. Tulad ni Lolo Epifanio, pagtitinda rin ang ikinabubuhay nila. Isang bulag si Lolo Avelino kaya naman sa tuwing magtitinda siya, ang kaniyang kabiyak na si Lola Avelina ang nagsisilbing mga mata niya.

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

At nang binalikan siya ng nasabing programa, napag-alaman nilang pumanaw na si Lola Avelina. Pahayag ni Lolo Avelino, nagkaroon daw ito ng breast cancer na siyang itinago niya sa kaniya – na kalaunan ay siyang kumitil ng buhay ni Lola Avelina.

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

Dahil sa paglisan ni Lola Avelina, tila nawalan muli ng paningin si Lolo Avelino. Sapagkat wala na ang nagsisilbi niyang mga mata, hindi na siya muling nakabalik sa pagtitinda.

“Wala na akong hanapbuhay ngayon. ‘Di na katulad noon na may manghihila sa akin, nakakapaghanapbuhay pa. Noong buhay pa, parang may mata ako – dahil siya ang mata ko e.”

Sa kasalukuyan ay kinukupkop si Lolo Avelino ng kaniyang anak sa kaniyang unang asawa.

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

At kahit na mayroon siyang kapansan, hindi pa kuwalipikado ang kaniyang edad upang makatanggap ng mga benepisyong ibinibigay sana sa mga senior citizen – tulad na lamang ng 20% discount at exemption mula sa value-added tax (VAT) sa pagbili ng mga gamot, pagpapakonsulta sa mga doktor, at marami pang iba.

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

Ayon naman sa grupong “Coalition of Services of the Elderly” (COSE), nararapat lamang na magkaroon ng “universal social pension” para sa mga matatanda.

“Ang unang nagiging problema rito marami ‘yong pagiging subjective no’ng pagpili. So minsan may kinikilingan – kapag hindi ka kaanib ni ganitong mayor o barangay captain, hindi ka napapasama doon sa programa. Siyempre ‘yong political, tapos ‘yong favoritism din. Dahil nga nakita ito na talagang hindi talaga nako-cover ‘yong talagang mga mahihirap at saka marami pa talagang nale-left out o naiiwan ‘yong programa ay nagsusulong ng universal social pension,” sabi ni Aura Sevilla, ang projet coordinator ng COSE.

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

Kung ikukumpara daw kasi sa ibang bansa, isa ang Pilipinas sa may pinakamaliit na halagang ibinibigay sa mga senior citizen. Kaya panawagan ng COSE, mula sa P500 ay itaas sa P1,500 ang pensyon ng mga matatanda kada buwan.

Subalit ang problema, patuloy pa rin daw kumakayod ang mga katulad ni Lolo Epifanio at Lolo Avelino na minsan ay nagdudulot pa ng peligro sa kanilang buhay – subalit kakarampot pa rin ang kanilang kinikita.

 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

Kahit nasa dapithapon na ng kanilang buhay, patuloy pa ring kumakayod ang mga katulad nina Lolo Epifanio at Lolo Avelino. Subalit hanggang kailan sila maghihirap at hanggang kailan sila maghihintay bago matamasa ang ginhawang dapat ay ipinagkakaloob sa kanila?


 Source: GMA Public Affairs/ You Tube

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Mga Lolo at Lola na hanggang ngayon ay kumakayod pa rin upang may ipantustos sa kanilang pamilya
Mga Lolo at Lola na hanggang ngayon ay kumakayod pa rin upang may ipantustos sa kanilang pamilya
https://1.bp.blogspot.com/-hzT8RMPNWp0/YEDHewTfljI/AAAAAAAAUYo/uqYuIHwjgrA-9-w3k-l4SjsgCB9nU__OwCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-03-04T194139.491.png
https://1.bp.blogspot.com/-hzT8RMPNWp0/YEDHewTfljI/AAAAAAAAUYo/uqYuIHwjgrA-9-w3k-l4SjsgCB9nU__OwCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-03-04T194139.491.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2021/03/mga-lolo-at-lola-na-hanggang-ngayon-ay.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2021/03/mga-lolo-at-lola-na-hanggang-ngayon-ay.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy