Proud anak ng Kasambahay at Barangay Tanod, nagtapos sa kolehiyo bilang Cum Laude hinangaan ng marami

Source: Jhonrick Orense/Facebook Hindi naging hadlang ang kahirapan para kay Jhonrick Orense upang makamit ang kanyang pangarap. Hindi nakap...

Source: Jhonrick Orense/Facebook

Hindi naging hadlang ang kahirapan para kay Jhonrick Orense upang makamit ang kanyang pangarap. Hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang kanyang mga magulang at tatlo pang mga kapatid. Ang kanyang ina ay namamasukan bilang isang kasambahay habang ang kanya naman ama ay barangay tanod.

Source: Jhonrick Orense/Facebook

Sinabihan na raw si Orense ng kanyang mga magulang, pagkatapos niya ng high school, na huminto muna siya sa pag-aaral dahil salat sila sa buhay at maghanap na muna ng trabaho. Dahil sa kagustuhang makapasok sa kolehiyo, sinikreto niya ang pagkuha ng mga pagsusulit sa iba’t ibang mga unibersidad at colleges. Nag-apply rin siya sa mga scholarship programs na ino-offer ng ibang paaralan at local government unit.
 
Source: Jhonrick Orense/Facebook

Sinabi na lamang niya ito sa kanyang mga magulang nang makapag-enroll na siya at mabuti na lamang dahil sinuportahan siya ng mga ito. Rumaket din si Orense sa pamamagitan ng kanyang talento sa sining upang masuportahan ang kanyang pag-aaral.

“Gumagawa din po ako ng logo ng mga student organizations, paintings like murals, tapos minsan nagju-judge at nagiging speaker din po ako ng mga workshops related to art… I finished my college kasi ayoko nang maulit yung mga moment na walang laman ‘yung bigasan namin. Asin ‘yung ulam ni tatay at baon niya sa trabaho tapos si inay kamatis lang at kape.”

Source: Jhonrick Orense/Facebook

Nasasaktan din daw ang kanyang mga magulang kapag hindi natutugunan ang pangangailangan ng kanilang anak lalo na kapag may kailangan itong bilhin dahil P25 lang allowance nito. Napagkakasya naman ito ni Orense dahil sa kanyang pagiging madiskarte.

Ayon pa sa kanyang ama, “’Pag nakikita ko yung mga certificate at medals niya, masaya po ako. Napakasipag at matiyaga sa pag-aaral niyan. Pumapatak po luha ko sa tuwing nakikita kong sinasabitan siya.”

Source: Jhonrick Orense/Facebook

Nagtapos bilag cum laude ang binate sa kursong Bachelor of Arts in Journalism sa International Peace Leadership College sa Tanay, Rizal.

Pagbabahagi pa ni Orense, “Kung nakakapag-isip ka ng tama, better look for a ways at iba pang mga paraan pa bukod sa aasa lang tayo sa mga magulang natin. Ikaw na mismo ang gumawa ng paraan para matupad at mangyari ang gusto mo.

This is not to boast my achievements. Rather, this is to inspire and motivate everyone who think they can’t. just like you, I am just an ordinary person but I chose to do things extraordinarily.”

Source: Jhonrick Orense/Facebook

COMMENTS

Name

Entertainment,599,Food,8,Food & Travel,4,Furr,3,Health,28,News,397,Showbiz,135,Tips,14,Travel,2,World,46,
ltr
item
Furry Category: Proud anak ng Kasambahay at Barangay Tanod, nagtapos sa kolehiyo bilang Cum Laude hinangaan ng marami
Proud anak ng Kasambahay at Barangay Tanod, nagtapos sa kolehiyo bilang Cum Laude hinangaan ng marami
https://1.bp.blogspot.com/-054aqIdmDTc/YE69UqKCpXI/AAAAAAAAUuM/g3CBHZxgMJMVoheRvWo2TSYiuHRrMsQ2QCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-03-15T094933.499.png
https://1.bp.blogspot.com/-054aqIdmDTc/YE69UqKCpXI/AAAAAAAAUuM/g3CBHZxgMJMVoheRvWo2TSYiuHRrMsQ2QCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-03-15T094933.499.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2021/03/proud-anak-ng-kasambahay-at-barangay.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2021/03/proud-anak-ng-kasambahay-at-barangay.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy