Source: Theresa Lipalam Seguesa/Facebook Trending sa social media ang isang bride na nagmotorsiklo para lang makapunta sa simbahan sa araw...
![]() |
Source: Theresa Lipalam Seguesa/Facebook |
Trending sa social media ang isang bride na nagmotorsiklo para lang makapunta sa simbahan sa araw ng kanyang kasal.
Nakuhanan ng larawan ang isang babaeng nakasakay sa motor habang suot ang kanyang wedding gown upang makarating sa simbahan kung saan siya ikakasal nito lamang Marso 27. Kinilala ang bride bilang si Theresa Lipalam Seguesa na mula pa sa Sitio An An, Barangay Cabadiangan at bumiyahe pa ng 12 kilomentro papunta sa simbahan ng Himamaylan City.

Source: Theresa Lipalam Seguesa/Facebook
Makikita sa mga larawan na tila masaya naman ang bride sa kanyang pagmo-motor dahil siya ay nakangiti. Sadya umanong ninais ni Theresa na ganapin ang kanyang kasal sa simpleng paraan. Isa umano siyang Overseas Filipino Worker (OFW); at ngayon ay ganap na siyang asawa ni Rogelio Seguesa Jr.

Samot-saring reaksiyon ang inihayag ng mga netizens. Pabirong sinabi ng isa na kailangan siyang hulihin dahil wala siyang suot na helmet. Nag-alala naman ang ilan na baka pumasok sa kadena ng motor ang suot niyang damit.

Source: Theresa Lipalam Seguesa/Facebook
Samot-saring reaksiyon ang inihayag ng mga netizens. Pabirong sinabi ng isa na kailangan siyang hulihin dahil wala siyang suot na helmet. Nag-alala naman ang ilan na baka pumasok sa kadena ng motor ang suot niyang damit.

Source: Theresa Lipalam Seguesa/Facebook
“Congratulations. Nang I’m so happy for you because very simple wedding but memorable and inspiring. Thanks for God for your safety ride. Best wishes to both of you.”
COMMENTS