Source: Loading Tv/ Facebook Para sa isang taong kapos sa buhay, papasukin niya ang lahat ng trabaho para lamang kahit papaano ay mabuhay. P...
![]() |
Source: Loading Tv/ Facebook |
Para sa isang taong kapos sa buhay, papasukin niya ang lahat ng trabaho para lamang kahit papaano ay mabuhay. Pandirihan man siya ng iba, mas pipiliin niya na lamang na huwag na itong pansinin upang maitaguyod ang kanyang pang-araw-araw.
Sa Facebook page na “Loading TV,” mapapanood ang isang 37-second-video kung saan makikita ang isang matanda na sumisid sa isang baradong kanal.

Source: Loading Tv/ Facebook
Mababasa rito ang caption na “TINGNAN; buwís buhay napag sisid ng isang matanda sa baradong kanal . Sa hirap ng buhay kahit ano papasukin ni tatay para sa kanyang pamilya. Marangal na trabaho ngunit napakahirap para sa isang matanda tulad nya.”

Source: Loading Tv/ Facebook
Makikita sa video kung paano sumisid ang matandang lalaki; idagdag pa na marumi ang tubig sa nasabing kanal. Patuloy na pinapanood ng iba pang mga taong naroon ang ginagawang trabaho ng matanda.

Source: Loading Tv/ Facebook
Tila hindi alintana ng matanda ang baho at dumi sa tubig dahil sumisisid pala siya para makuha ang ilang mga basura sa ilalim nito.

Source: Loading Tv/ Facebook
Komento ng isang netizen, “Kawawa mman si Tatay pero saludo ako sayo.. napakapalad ng iba ng mayroon pang mas madali na trabaho..”

Source: Loading Tv/ Facebook
Source: Loading Tv/ Facebook
COMMENTS