Isang ginang binilhan ang mag-amang sumusulyap lamang at walang makain sa labas ng Jollibee

Hindi kinakailangan na maging mayaman upang makatulong sa kapwa, kadalasan nga ay mas marami pang tumutulong na simpleng mamamayan kesa sa m...

Hindi kinakailangan na maging mayaman upang makatulong sa kapwa, kadalasan nga ay mas marami pang tumutulong na simpleng mamamayan kesa sa mga may kayang tao. Hindi nga sukatan ang estado ng pamumuhay upang makatulong sa mas mga nangangailangan.


Tulad na lamang ng isang ginang na nagmalasakit sa mag-amang palaboy na nakasulyap sa labas ng isang fast food habang pinapanuod ang iba na masayang kumakain. Noong una ay pinagmasdan muna ng ginang ang dalawa at labis nga ang awa na naramdaman niya sapagkat tila gutom na gutom na ang mag-amang ito, marahil wala silang pambili kaya naman ay nakatingin na lamang ang dalawa sa labas ng fast dood habang kumakain ang mga tao sa loob.



Nahabag ang ginang sa sitwasyon ng mag-ama kaya naman nilapitan niya ang dalawa at pinapasok sa loob ng fast food. Agad naman inasikaso ng ginang ang dalawa at tinanong kung ano ang nais nila kainin. Tila nga nahihiya pa ang mag-ama sapagkat wala silang pera na maaaring ibayad sa ginang, ngunit handa siyang tumulong sa mag-ama ng walang kapalit ang gusto lamang ng ginang ay mabusog ang dalawa at makatulong siya kahit na sa simpleng pamamaraan. Giit nya ay”wag na ho kayong mag-alala ako na ho ang mag babayad”



Ayon sa mag-ama ay halos buong araw na silang hindi kumakain at tanging tubig lamang ang kanilang pantawid gutom. Kaya naman wala silang magawa kundi ang sumulyap na lamang sa mga taong kumakain sa loob sapagkat wala silang pera na pambili ng makakain. Abot langit ang tuwa at pasasalamat ng dalawa sa kabutihang loob na ipinalas ng ginang. 

Tila nga hirap sa buhay ang dalawa kaya naman isang hulog ng langit ang ipinakitang pagtulong ng isang mabuting ginang. Isa rin umanong ina ang babae kaya ramdam niya ang sakit at hirap ng mga magulang upang mabigyan ng makakain ang kanilang mga anak. 


Sa kabilang banda, maraming tao ang nagpapakita ng pagtulong upang sumikat lamang. Ngunit ang ginang na ito ay tumulong ng bukal sa kaniyang kalooban at walang hinihinging kapalit kaya laking gulat na lamang nito na nagviral siya dahil sa mga litratong kuha ng mga netizens na nakasaksi ng kaniyang mabuting gawain. Isang mabuting ehemplo ang ginang na dapat tularan ng iba. Kung mayroon man kayong makita na mga taong nangangailangan huwag kayo magalinlangan na tumulong. Ang simple pakikipag kapwa tao ay isa ng malaking tulong para sa iba na labis na ngangailangan. Magi nawa tayong blessing sa mga taong nagugutom at mga taong kapos sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay.

COMMENTS

Name

Entertainment,621,Food,8,Food & Travel,4,Furr,4,Health,30,News,409,Showbiz,135,Tips,15,Travel,2,World,48,
ltr
item
Furry Category: Isang ginang binilhan ang mag-amang sumusulyap lamang at walang makain sa labas ng Jollibee
Isang ginang binilhan ang mag-amang sumusulyap lamang at walang makain sa labas ng Jollibee
https://1.bp.blogspot.com/-0CFHKTRIN6w/YNoVn_2KDQI/AAAAAAAAVYc/MKT0WZbmB_oAyAIcS6cZkexNKy5c8M4uQCNcBGAsYHQ/s16000/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-06-28T143113.270.png
https://1.bp.blogspot.com/-0CFHKTRIN6w/YNoVn_2KDQI/AAAAAAAAVYc/MKT0WZbmB_oAyAIcS6cZkexNKy5c8M4uQCNcBGAsYHQ/s72-c/Untitled%2Bdesign%2B-%2B2021-06-28T143113.270.png
Furry Category
https://www.furrycategory.com/2021/06/isang-ginang-binilhan-ang-mag-amang.html
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/
https://www.furrycategory.com/2021/06/isang-ginang-binilhan-ang-mag-amang.html
true
1554150277128160871
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy